Nabanggit ang anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano na ina ng anak ni Jolo Revilla na si Jose Gabriel ay banned din sa naturang bar dahil nagbasag daw ng salamin two weeks ago.
Ayon sa kwento, "Lasing po kasi at may nakaaway yata, binato yung salamin ng kotse, nagkagulo po, pero naawat naman kaagad.
"Madalas po silang gumigimik dito sa Eastwood, marami pong barkadang kasama, halatang mga bata pa po sila kasi iba ang mga kilos."
At kung hindi kami nagkakamali ay nabanggit ni Grace sa kanyang website/blog na nalathala sa isang tabloid kamakailan na panay nga ang gimmick niya kasama ang mga kaibigan at madaling araw na kung umuwi.
Anyway, bukas ang ispasyong ito para sa panig ni Grace o ng kampo niya.
Tatlong gabing sunud-sunod kasing may shows ang Comedy Concert Queen sa Klownz Araneta para sa 2nd anniversary ng naturang lugar.
Nai-text na raw ni Aiai si Papa Art tungkol sa hindi niya pagdating at nagtataka siya kung bakit hindi siya sinasagot ng Amerikanong boyfriend.
"Nagalit siguro dahil hindi ako makakapunta, akala nagdadahilan lang ako," ito ang pahayag ni Aiai na garalgal pa ang boses.
Ayaw naman daw tumuloy ni Aiai sa Amerika at doon na lang magpa-confine para lang malaman ng boyfriend niyang nagsasabi siya ng totoo.
"Mahirap magkasakit sa Amerika, lalot tourist ka, masyadong mahal at baka hindi ka asikasuhin, e, hindi rin naman ako sigurado kung maasikaso ako ni Papa Art dahil bisi-bisihan din yun sa negosyo niya. Kaya dito na lang ako magpapa-ospital if ever," paliwanag ni Aiai.
After two days ay saka lang daw sumagot si Papa Art ng, "Wow, the only surprise for me is my true love wont be at the airport tomorrow night that has me sick, mwah and moe ."
"Kaloka, makipag-kumpetensiya pa ng sakit sa akin," ito naman ang nasambit sa amin ng komedyana.
Samantala, wishful thinking ni Aiai na siya na lang ang i-surprise visit ni Papa Art para dalawin siya rito sa Pilipinas at dito na lang ituloy ang party. REGGEE BONOAN