"Kahit ayaw namin ni Joey na mag-showbiz ito ay wala kaming magagawa dahil nasa dugo naman niya ang pagiging artista," aniya.
Sa kabilang banda, proud si Ness dahil binigyan siya ng pagkakataon ng Dos na mapasama sa soap opera na Mga Anghel Na Walang Langit.
Kilala na sa pagiging mabagal kumilos ni Kookie kaya nga ito binansagan ng pagong. Kaya nga napagpasyahan nito na kumuha ng matapang na manager para madisiplina siya at maging propesyonal na.
Kaya naman ngayon kapag may appointment ang aktres ay maaga na ito kung dumating at di na nambibitin ng mga schedule.
Ayon naman kay Popoy, maganda ang samahan ng dalawa niyang alaga at never na na-insecure si James kay Dennis. Paliwanag lang nito na gusto niyang sumubok sa ibang manager pero, may nagpapalagay na baka naman ang girlfriend nito ang may say para umalis na siya sa poder ng manager.
Idinagdag naman ni Popoy na sakaling bumalik uli sa kanya si James ay tatanggapin pa rin niya ito.
Pero ngayon, balik-telebisyon ito via Mga Anghel Na Walang Langit sa role ng isang ex-priest.
Si Isko ay kasalukuyang konsehal sa unang distrito ng Maynila. Nagtayo ito ng libreng computer school sa kanilang lugar kung saan mayroon siyang 100 scholars na nag-aaral sa Informatics at Datamex.
Huling termino na ngayon ng actor-politician bilang konsehal pero hindi pa tiyak kung tatakbo ito sa mas mataas na posisyon.
Kumukuha ngayon ng Law si Isko at second year na sa Arellano University.
Ininterbyu nito si Fr. Dale Barretto Ko bilang bahagi ng kanyang programa sa Channel 9. Siya bale ang nasa entertainment at mayroon ding nakatoka naman sa news. Wala pa ring pagbabago si Richard at hanggang ngayon ay kapisan pa rin nila ang kanyang mommy. Hindi pa nasusundan ang isang anak ni Richard at ng kanyang asawang stewardess.
Mapapanood ang programa ni Richard titled On D Spot tuwing Martes at 12:30 PM sa Nuebe.
Habang magkausap kami ay naroon din ang butihing ina ni Lucy Torres na nakikipagmiting din kay Fr. Dale. Isa ito sa napagaling ni Fr. Pio sa kanyang breast cancer. Ganundin ang kapatid namin sa panulat na si Ed de Leon.
Nagkulong pa ito sa kanyang dressing room kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga kapatid sa hanapbuhay na siyay mainterbyu.