^

PSN Showbiz

Anak ni Joey na si Win Win nag-artista na rin

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Niliwanag ni Alma Moreno na hindi niya pinilit na mag-artista ang kanilang anak ni Joey Marquez na si WinWin. Ayon sa aktres, bata pa ito ay talagang hilig na ang pag-aartista. Isa pa, dalaga na ito para mag-decide para sa sarili.

"Kahit ayaw namin ni Joey na mag-showbiz ito ay wala kaming magagawa dahil nasa dugo naman niya ang pagiging artista," aniya.

Sa kabilang banda, proud si Ness dahil binigyan siya ng pagkakataon ng Dos na mapasama sa soap opera na Mga Anghel Na Walang Langit.
Snooky, Nagpapa-Manage Kay Annabelle Rama
Nagkahiwalay naman ng maayos sina Snooky at ang manager nitong si Leo Dominquez. Ngayon ay may bago ng namamahala sa aktres sa katauhan ni Annabelle Rama. May nagtatanong kung bakit ang mommy ni Ruffa Gutierrez ang kanyang kinuha.

Kilala na sa pagiging mabagal kumilos ni Kookie kaya nga ito binansagan ng ‘pagong’. Kaya nga napagpasyahan nito na kumuha ng matapang na manager para madisiplina siya at maging propesyonal na.

Kaya naman ngayon kapag may appointment ang aktres ay maaga na ito kung dumating at di na nambibitin ng mga schedule.
James, Umalis Na Rin Sa Manager
Malungkot naman ang naging paghihiwalay nina James Blanco at manager na si Popoy Carritivo. Para kasing magkapatid ang turingan ng dalawa. Hindi nga namin malaman kung bakit umalis pa sa kwadra ng manager si James gayung hindi naman ito nababakante sa mga proyekto. May nagsabi tuloy na baka nai-insecure ito kay Dennis Trillo?

Ayon naman kay Popoy, maganda ang samahan ng dalawa niyang alaga at never na na-insecure si James kay Dennis. Paliwanag lang nito na gusto niyang sumubok sa ibang manager pero, may nagpapalagay na baka naman ang girlfriend nito ang may ‘say’ para umalis na siya sa poder ng manager.

Idinagdag naman ni Popoy na sakaling bumalik uli sa kanya si James ay tatanggapin pa rin niya ito.
Isko, Balik-Showbiz
Magaling na artista si Isko Moreno pero nag-concentrate na sa pagiging pulitiko kaya natigil ang showbiz career.

Pero ngayon, balik-telebisyon ito via Mga Anghel Na Walang Langit sa role ng isang ex-priest.

Si Isko ay kasalukuyang konsehal sa unang distrito ng Maynila. Nagtayo ito ng libreng computer school sa kanilang lugar kung saan mayroon siyang 100 scholars na nag-aaral sa Informatics at Datamex.

Huling termino na ngayon ng actor-politician bilang konsehal pero hindi pa tiyak kung tatakbo ito sa mas mataas na posisyon.

Kumukuha ngayon ng Law si Isko at second year na sa Arellano University.
Richard R, Talk Show Host Na
Nagkita kami ni Richard Reynoso kasama ang kanyang mommy sa misa para kay Padre Pio na idinaraos tuwing ika-23rd ng buwan sa Sto. Tomas, Batangas.

Ininterbyu nito si Fr. Dale Barretto Ko bilang bahagi ng kanyang programa sa Channel 9. Siya bale ang nasa entertainment at mayroon ding nakatoka naman sa news. Wala pa ring pagbabago si Richard at hanggang ngayon ay kapisan pa rin nila ang kanyang mommy. Hindi pa nasusundan ang isang anak ni Richard at ng kanyang asawang stewardess.

Mapapanood ang programa ni Richard titled On D Spot tuwing Martes at 12:30 PM sa Nuebe.

Habang magkausap kami ay naroon din ang butihing ina ni Lucy Torres na nakikipagmiting din kay Fr. Dale. Isa ito sa napagaling ni Fr. Pio sa kanyang breast cancer. Ganundin ang kapatid namin sa panulat na si Ed de Leon.
Blind Item: Pumangit Ang PR Ng Aktres
Dinalaw minsan ng ilang kapatid sa hanapbuhay ang taping ng aktres na bida sa isang teleserye. Malamig ang naging pagtanggap nito sa press at ni hindi man lang sila kinausap at binati.

Nagkulong pa ito sa kanyang dressing room kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga kapatid sa hanapbuhay na siya’y mainterbyu.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANNABELLE RAMA

ARELLANO UNIVERSITY

AYON

CENTER

MGA ANGHEL NA WALANG LANGIT

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with