"Sobra naman ang balitang yan. Actually it only looks big because its on top of the mountain and its beside my brothers lot. Actually mas malaki pa nga ang lot ng brother ko kaysa sa lot ko," ayon sa doctor.
Hindi rin daw aabot ng 2 thousand square meters ang sukat ng kanyang lote tulad ng napapabalita. Natatawa rin si Yong sa balitang pinatibag nila ang dalawang bundok para lamang maipatayo ang kanilang dream house. Actually natakot daw sila noong lumabas ang naturang balita dahil baka raw habulin sila ng DENR at ng BIR.
"Kahit na nasa top siya ng mountain, hindi naman kami nagpuputol ng mga puno doon dahil its kalbo na bago namin pinatayuan. Its inside a private subdivision so we also have neighbors and lahat kaming apat na magkakapatid ay may lupa roon."
Aminado rin ang mabait at gwapong asawa ni Donna na wedding gift sa kanila iyon ng kanyang mga magulang at ngayon lamang niya naharap para pagtayuan na ng kanilang sariling tahanan. Sinimulan daw niya ang konstruksyon ng nasabing bahay noon pang nakaraang taon but they stopped dahil na rin sa tumaas ang mga bilihin. Ngayon na lamang ulit nila ito naharap ng dahan-dahan lang.
Pinalagyan din niya ito ng riprap o depensa sa magkabilang gilid ng daan upang hindi ito matibag dahil pababa ito.
Tinanong ko rin si Dr. Yong kung saan galing ang exaggerated na balitang iyon at narito ang kanyang sagot. "Siguroy galing doon sa reporter na nagbalita noon na binubugbog ko raw si Donna," ang natatawang sagot ng doctor. TONTON VILLAMOR