Symon Soler, bantay ng sarili niyang burger stand sa Eastwood
July 26, 2005 | 12:00am
Isinugod sa FEU Hospital nung Lunes ng madaling araw sa ganap na alas kuwatro ang daddy Roger Mercado ni Jennylyn Mercado, asawa ng kaniyang Mommy Lydia Mercado.
Ayon sa balitang aming nakalap, biglang nanigas at hindi na makakita ang amain ni Jennylyn kayat kinarga na lang siya ng driver ni Jennylyn at isinakay sa kotse at kaagad itong dinala sa naturang ospital na idiniretso naman kaagad sa Intensive Care Unit section.
Edad 65 na ang asawa ni Mommy Lydia at naputulan ito ng paa noon dahil sa sakit na diabetes kayat under medication siya for life.
Pero sa ganap na alas singko beinte singko rin ng madaling araw ay kaagad ding inilipat sa Las Piñas Medical Center ang daddy ni Jennylyn dahil masyadong mahal daw sa FEU na ayon naman mismo sa mga doktor ng naturang ospital ay hindi raw pupwede ang ganun dahil baka may masamang mangyari sa pasyente.
At dahil mapilit ang Mommy Lydia ni Jennylyn na ilipat sa mas murang ospital ang asawa ay pinapirma siya ng doktor ng waiver na home against medical advise para kung may mangyari nga naman habang nasa biyahe ay hindi sagutin ng FEU Hospital.
"Kulang kasi ang pera kaya inilipat ni Mommy Lydia, na-stroke raw pala. Hindi pa nga ito alam ni Jennylyn kasi ayaw naming ma-bother siya dahil may show sila," ito naman ang kwento sa amin ni Cynthia Valconcha, artist manager ni Jennylyn.
Sinubukan naman naming tawagan si Jennylyn na nasa US pero, hindi naman niya sinasagot ang kanyang cellphone.
Maswerteng napasama ang pelikulang Sigaw nina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Hollywood premiere ng Scream Festival na gaganapin sa Los Angeles, California ngayong darating na October 2005.
Ito ang masayang balita sa amin ni Direk Yam Laranas na siyang director ng naturang pelikula at ayon sa pagkakaalam niya, ang Sigaw pa lang ang nakapasok na entry mula sa daan-daang pelikula buhat sa Pilipinas.
Ang Sigaw ay entry ng Good Harvest Productions sa nakaraang 2004 Metro Manila Film Festival kung saan nanalo bilang 2005 Enpress Best Actress si Iza Calzado at si Ella Guevara naman para sa Best Child Performance sa nakaraang 2004 Metro Manila Film Festival Awards.
At nang makausap naman namin si Direk Joey Gosiengfiao kamakailan ay hindi pa raw niya alam na napasama ang Sigaw nina Richard at Angel. If ever daw ay tiyak na matutuwa si Mother Lily Monteverde.
May pakiusap ang actor at dating myembro ng grupong Jeremiah na si Symon Soler na dalawin naman ang opening ng itinayo niyang burger stand ngayong araw, Martes sa may Eastwood, Libis sa harap ng Mocha Blends at 7-11 convenience store.
Ayon sa ipinadalang mensahe sa amin ng kaibigang reporter ni Symon, ang actor daw ang magbabantay simula alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Walang gaanong projects ngayon si Symon kayat naisipan niyang magtayo ng negosyo na pupwede niyang pag-umpisahan habang naghihintay siya ng raket sa showbiz.
Ang alam namin ay dati siyang mainstay ng Daisy Siete ng Sex Bomb Girls, at maganda naman ang performance niya, hindi lang namin naitanong kay Joy Cancio na siyang producer ng Daisy Siete kung bakit hindi na siya muling kinuha pa.
Mas paborito nila si Jack Rodrigo na alaga ni Daddie Wowie Roxas na kung hindi kami nagkakamali ay nasa pangalawang season palang ang Daisy Siete ay kasama na bilang ka-loveteam ni Izzy Arapeles. REGGEE BONOAN
Ayon sa balitang aming nakalap, biglang nanigas at hindi na makakita ang amain ni Jennylyn kayat kinarga na lang siya ng driver ni Jennylyn at isinakay sa kotse at kaagad itong dinala sa naturang ospital na idiniretso naman kaagad sa Intensive Care Unit section.
Edad 65 na ang asawa ni Mommy Lydia at naputulan ito ng paa noon dahil sa sakit na diabetes kayat under medication siya for life.
Pero sa ganap na alas singko beinte singko rin ng madaling araw ay kaagad ding inilipat sa Las Piñas Medical Center ang daddy ni Jennylyn dahil masyadong mahal daw sa FEU na ayon naman mismo sa mga doktor ng naturang ospital ay hindi raw pupwede ang ganun dahil baka may masamang mangyari sa pasyente.
At dahil mapilit ang Mommy Lydia ni Jennylyn na ilipat sa mas murang ospital ang asawa ay pinapirma siya ng doktor ng waiver na home against medical advise para kung may mangyari nga naman habang nasa biyahe ay hindi sagutin ng FEU Hospital.
"Kulang kasi ang pera kaya inilipat ni Mommy Lydia, na-stroke raw pala. Hindi pa nga ito alam ni Jennylyn kasi ayaw naming ma-bother siya dahil may show sila," ito naman ang kwento sa amin ni Cynthia Valconcha, artist manager ni Jennylyn.
Sinubukan naman naming tawagan si Jennylyn na nasa US pero, hindi naman niya sinasagot ang kanyang cellphone.
Ito ang masayang balita sa amin ni Direk Yam Laranas na siyang director ng naturang pelikula at ayon sa pagkakaalam niya, ang Sigaw pa lang ang nakapasok na entry mula sa daan-daang pelikula buhat sa Pilipinas.
Ang Sigaw ay entry ng Good Harvest Productions sa nakaraang 2004 Metro Manila Film Festival kung saan nanalo bilang 2005 Enpress Best Actress si Iza Calzado at si Ella Guevara naman para sa Best Child Performance sa nakaraang 2004 Metro Manila Film Festival Awards.
At nang makausap naman namin si Direk Joey Gosiengfiao kamakailan ay hindi pa raw niya alam na napasama ang Sigaw nina Richard at Angel. If ever daw ay tiyak na matutuwa si Mother Lily Monteverde.
Ayon sa ipinadalang mensahe sa amin ng kaibigang reporter ni Symon, ang actor daw ang magbabantay simula alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon.
Walang gaanong projects ngayon si Symon kayat naisipan niyang magtayo ng negosyo na pupwede niyang pag-umpisahan habang naghihintay siya ng raket sa showbiz.
Ang alam namin ay dati siyang mainstay ng Daisy Siete ng Sex Bomb Girls, at maganda naman ang performance niya, hindi lang namin naitanong kay Joy Cancio na siyang producer ng Daisy Siete kung bakit hindi na siya muling kinuha pa.
Mas paborito nila si Jack Rodrigo na alaga ni Daddie Wowie Roxas na kung hindi kami nagkakamali ay nasa pangalawang season palang ang Daisy Siete ay kasama na bilang ka-loveteam ni Izzy Arapeles. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am