Kaninong palabas ang mas pinanood sa US, ang Kapuso o' Kapamilya?
July 26, 2005 | 12:00am
Pinahanga ni Dingdong Dantes ang manonood ng Encantadia doon sa eksenang nagwawala siya habang ikinakasal si Alena (Karylle) kay Hitano (Polo Ravales). Noon lang nila napanood ang ganoong intense acting mula sa actor.
Akala ng viewers, acting pa rin ang ginagawa ni Dingdong at kasama sa script.Yun palay totoo na ang pagwawala nito at ang dahilan ay nang halikan ni Polo si Karylle. Hindi nito alam na may ganoong eksena ang girlfriend and after the take na niya nalamang nasa script ang eksena.
Magandang motivation pala kay Dingdong ang selos dahil mas gumagaling siya sa acting. Dapat palang bigyan ng mas maraming sweet moments sina Alena at Hitano para mapaarte ng husto si Ybrahim/Ybarro (Dingdong).
Siyanga pala, tama ba ang tsika sa aming magiging anak nina Alena at Ybrahim/Ybarro si Kahlil (Jake Cuenca)? Dahilan ito ng bagong conflict sa istorya ng Encantadia.
May ibang pinag-aawayan at pinagdidiskusyunan sa Internet ang viewers ng Kapamilya ng ABS-CBN at Kapuso ng GMA-7. Ang bone of contention this time ay kung kaninong show sa San Francisco ang mas successful.
Kinumpara ng fans ang dami ng tao na nanood ng SOP sa Bill Graham Civic Center sa rami ng Pinoy na pumunta sa Monster Park para manood ng ASAP. Sabi ng mga Kapamilya, nilangaw ang show ng Kapuso na itinanggi ni Lhar Santiago sa report nito sa S Files.
Pinanood namin ang ASAP at talaga namang napakaraming tao sa Monster Park. Malalaman naman natin kung totoong marami rin ang nanood ng SOP kapag napanood natin ang kabuuan ng show sa Sunday, July 31.
Meantime, hayaan nyo munang makibasa pa kami at maaliw sa diskusyunan at on-line tarayan ng magkakalabang viewers ng warring networks.
Nakita namin si Arnold Clavio sa GMA-7 noong isang araw. Ipinaabot namin sa kanya ang concern ng kanyang fans kung nakakatulog pa ba siya sa rami ng ginagawa. Dahil sa pagbabago ng programming ng Siete, madalas umaabot ng past 12 midnight ang Saksi nila ni Vicky Morales at maaga siya kinabukasan para sa Unang Hirit.
"Nakakatulog pa naman ako. Kagigising ko nga lang ngayon at kaya ako nagising dahil may taping ako ng Emergency," sagot nito sa tanong namin.
Sabi naman ni Dinno Erece, after his morning TV show and radio show sa DZBB, nakakatulog si Arnold. Unless, may taping at coverage siya for 24 Oras at Saksi. Dagdag pa ni Dinno, kapag pumayat si Arnold, doon na dapat mag-worry ang fans nito.
Tawa nang tawa ang kaibigan naming reporter habang ikinikuwento ang mga nasaksihang eksena sa dressing room ng isang network during a live show.
Naloka ang friend namin sa kani-kanyang eksena ng mga artista. May mga artistang hindi nagpapansinan pero, pagdating sa harap ng camera at ng fans, super close at walang tigil ang tsikahan.
Naaliw din siyat may mga nag-aaway sa pag-uunahan na ayusan sila ng mga make-up artist. Nagugulat ang friend namin na makarinig ng mura (dahil sa pressure lang naman) mula sa mga teen idol.
Marami rin ang mga pasaway at inaaway ang mga PA, make-up artist at staff ng show lalo na kung minamadali silang mag-ayos. Pero, paglabas ay mga pa-sweet at pa-wholesome ang dating.
Akala ng viewers, acting pa rin ang ginagawa ni Dingdong at kasama sa script.Yun palay totoo na ang pagwawala nito at ang dahilan ay nang halikan ni Polo si Karylle. Hindi nito alam na may ganoong eksena ang girlfriend and after the take na niya nalamang nasa script ang eksena.
Magandang motivation pala kay Dingdong ang selos dahil mas gumagaling siya sa acting. Dapat palang bigyan ng mas maraming sweet moments sina Alena at Hitano para mapaarte ng husto si Ybrahim/Ybarro (Dingdong).
Siyanga pala, tama ba ang tsika sa aming magiging anak nina Alena at Ybrahim/Ybarro si Kahlil (Jake Cuenca)? Dahilan ito ng bagong conflict sa istorya ng Encantadia.
Kinumpara ng fans ang dami ng tao na nanood ng SOP sa Bill Graham Civic Center sa rami ng Pinoy na pumunta sa Monster Park para manood ng ASAP. Sabi ng mga Kapamilya, nilangaw ang show ng Kapuso na itinanggi ni Lhar Santiago sa report nito sa S Files.
Pinanood namin ang ASAP at talaga namang napakaraming tao sa Monster Park. Malalaman naman natin kung totoong marami rin ang nanood ng SOP kapag napanood natin ang kabuuan ng show sa Sunday, July 31.
Meantime, hayaan nyo munang makibasa pa kami at maaliw sa diskusyunan at on-line tarayan ng magkakalabang viewers ng warring networks.
"Nakakatulog pa naman ako. Kagigising ko nga lang ngayon at kaya ako nagising dahil may taping ako ng Emergency," sagot nito sa tanong namin.
Sabi naman ni Dinno Erece, after his morning TV show and radio show sa DZBB, nakakatulog si Arnold. Unless, may taping at coverage siya for 24 Oras at Saksi. Dagdag pa ni Dinno, kapag pumayat si Arnold, doon na dapat mag-worry ang fans nito.
Naloka ang friend namin sa kani-kanyang eksena ng mga artista. May mga artistang hindi nagpapansinan pero, pagdating sa harap ng camera at ng fans, super close at walang tigil ang tsikahan.
Naaliw din siyat may mga nag-aaway sa pag-uunahan na ayusan sila ng mga make-up artist. Nagugulat ang friend namin na makarinig ng mura (dahil sa pressure lang naman) mula sa mga teen idol.
Marami rin ang mga pasaway at inaaway ang mga PA, make-up artist at staff ng show lalo na kung minamadali silang mag-ayos. Pero, paglabas ay mga pa-sweet at pa-wholesome ang dating.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended