Rica, sad pa rin ang sex life

Inamin ni Rica Peralejo na eight months after mag-break sila ni Bernard Palanca ay malungkot pa rin ang kanyang sex life. Mayro’n nang ipinalit sa kanya ang dating nobyo na aniya ay kilala rin niya pero wala pa siyang nakikitang makakapalit nito sa kanya kanyang puso.

"I date, oo, pero wala pa akong dyowa. Siguro tumaas na ang level ng standard ng hinahanap ko sa isang lalaki, at mahirap nang makakita ng ganito. Lalo na ako, di ako exposed sa tamang tao. My job requires that I have to work with the same people, the same group din na nakakasama ko for so many years now. So paano ako makakakita ng lalaki?" tanong niya.

Rica just came back from London na kung saan ay pinasaya nila ang mga Kapamilya dun sa ika-21st anniversary ng Barrio Fiesta sa London na ginanap nung July 17 at 18 sa Lampton Park sa Hounslow. Mahigit 40,000 na Pinoy ang nanood sa kanila. Bahagi ito ng TFC World Tour ng ABS CBN at promo ng TFC direct satellite service sa London.

Kasama ni Rica si Aga Muhlach at sina Edu Manzano at Agot Isidro na nag-host ng affair. Kumanta si Aga at nagsayaw naman si Rica.

Habang nasa London, gumawa na rin ng isang episode sina Rica, Aga at Edu ng Ok Fine! ‘To Ang Gusto Nyo! with Agot as special guest.
* * *
Dahil sa matinding pagtanggap ng Cannes kay Claudine Barretto nang pumunta ito run kasama sina Piolo Pascual para sa 58th Cannes Filmfest, muling ini-release ng Star Records Video ang orihinal na mga kopya ng Milan at Dekada ’70 sa VCD format. Punta lang sa Astrovision, Astro Plus, Odyssey, SM Records Bars para sa orig na mga kopya.
* * *
Apat na Backroom talents at isang Backroom concert production ang napiling finalists sa Aliw Awards.

Pinangungunahan ito ni Boy Abunda bilang Best Emcee (Male) Category; Bobby Garcia Best Concert Stage Director; K & the Boxers bilang Best Performers in Hotel, Music Lounges and Bars (Group) Category at Erik Santos sa Best Performance in a Concert (Male) Category.

Sina Erik at Aiai delas Alas ay finalists sa Best Major Concert (Collaboration) Category.

Ang Aliw Awards ay magaganap sa Agosto 3, 8NG, sa Manila Hotel Fiesta Pavilion.

Show comments