But, of course, sila Simon and Silver nga yun na dinala rito sa Pilipinas ni Pocholo Mallilin para mapanood ng mga pumupunta ng Club Mwah!
At dahil siguro mga lehitimong world class performers kung kaya 99% ng acts nila ay first time ko na nakita. Tulad nung lalaking pinutol ang katawan nang nakatayo. Dinala pa nung itaas na bahagi ng katawan ang kanyang ibabang bahagi. At dahil napakalapit ng stage sa audience kung kaya kitang-kita mo kung may daya. At magka-meron man, napaka-galing nila para hindi ito makita ng audience.
Ang colleague ngang si Vir Gonzales ay hangang-hanga, ayaw kumurap dahil anytime, may mami-miss siyang kaganapan.
Ang magandang sa palabas na Spectaculo ay hinaluan ito ng napakagagandang musical number at hindi basta illusion o magic na one after the other. Ginawan ito ng magagandang production number na maging ang dalawang magicians ay participants.
Favorite ko yung paglabas ng isang tao sa tiyan ng isa sa dalawang magician. Kung paano nila ginawa yun dun mismo, right under our noses ay talagang kahanga-hanga. Dapat nandun kayo para maniwala kayo.
Go kayo, samantalahin nyo ang isang world act na narito sa ating bansa for a limited time lamang.
Still ongoing, tuwing 10PM, Fridays and Saturdays, ang Bedazzled na dinadayo na ng mga manonood. At ang Follies de Mwah, Tuesdays to Thursdays, 10:30 PM. Pareho itong musical vignettes ng mga Broadway plays.
Ang pelikula ay tungkol sa isang kabataang lalaki na na-in love sa isang pulis at dinirek ni Auraeus Solito.
Pwede kayong mag-apply ngayong, 1:00 NH sa 3rd flr, ng Djaka Bar & Restaurant, 184 Morato, QC. Magdala lamang ng half & whole body photos. 3R at minus one o CD para sa mga singer at dancer. Pwedeng tumawag sa 4384320/4227074 o sa MB 09106744350/09208275385
Makipag-ugnayan kay Director Gilbert Pampi or Tita Baby.