Sinubaybayan ng ating mga kababayan sa States ang palabas, simula sa napakagandang opening number ng mga ASAP 05 regulars na sina Martin Nievera at Gary Valenciano, kasama ang The Hunks (Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Carlos Agassi), Kuh Ledesma, Zsazsa Padilla, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Erik Santos at Sheryn Regis, hanggang sa grand finale ng lahat ng artista sa stage. Kinumpleto ng mga special guests na sila Leah Salonga, Nora Aunor at Pinoy American Idol ang world-class event na ito, kasama rin sila Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Rachel Alejandro, Antoinette Taus at ang mga Star Magic talents na sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Aaron Agassi at Ava Johnson. Si Johnny Manahan ang nagsilbing direktor ng napakagandang palabas na ito.
Ang mga The Filipino Channel (TFC) subscribers ay nagkaroon din ng mga libreng merchandise galing sa kanilang mga paboritong ABS-CBN shows sa pamamagitan ng mga booths sa grounds ng stadium. Sinundan ito ng maghapong autograph signing at picture taking sa mga Kapamilya stars na pinangunahan ni Charo Santos Concio ng Maalaala Mo Kaya.
Sa umpisa ng palabas, nagpa-raffle ang ABS-CBN Global ng $25,000 at isang brand-new Honda Civic.
Ngayong araw pupuntahan naman ng ASAP 05 ang Monster Park Fair Grounds (dating Candlestick Park), San Francisco na idineklarang official Kapamilya Day ng mayor ng San Francisco.