Noong una, naisip naming inilalagay nila ang mga Mulawin para makatipid sila sa mga costumes at characters. Magastos din naman ang mga costumes, at sayang din ang mga ginamit na nila sa Mulawin. Iyon pala may balak na silang paghaluin ang mga characters sa pagsasalin sa pelikula ng Mulawin.
Malaki ang advantage ng paghahalo. Una, hindi natin maikakaila na mas mataas ang ratings ng Encantadia ngayon kaysa sa naabot ng Mulawin noong araw. Kalokohan namang iyong Encantadia ang isalin nila agad sa pelikula dahil kumikita pa yon sa tv. Kailangan din naman nating isipin na kailangan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin ng malakas na suporta, dahil kung silang dalawa lang ang bida sa isang pelikula, medyo delikado. Hindi ba yong pelikula nilang silang dalawa lang eh mahina naman noon. Naging malakas ang kanilang pelikula noong kasama na nila iyong StarStruck.
Kung ihahalo mo nga naman ang mga characters ng Encantadia sa Mulawin, siguradong magiging malaking hit. Yang ganyang pelikula ay hindi mananalo ng maraming awards kagaya noong kanilang ginawa noong Jose Rizal at Muro Ami, maliban nga siguro sa best production design, pero sigurado na iyan ay magiging isang malaking hit sa takilya.
Maraming nagtatanong sa amin kaya namin isinusulat, iyong healing mass sa nasabing simbahan ay tuwing alas 6 ng gabi, tuwing ika-23 ng bawat buwan. Maaaring dalhin ang mga may sakit para maipanalangin at mapahiran ng langis.