^

PSN Showbiz

‘Mulawin’, the movie, hahaluan ng ‘Encantadia’

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Masasabi naming napaka-wise niyang GMA Films sa kanilang desisyon na haluan ng mga characters ng kanilang matagumpay na seryeng Encantadia ang Mulawin oras na isalin ito sa pelikula. Actually ginagawa na nila ito ngayon sa tv. Baliktad nga lang. Pinapapasok nila ang ilang characters ng Mulawin para tulungan ang mga characters ng Encantadia.

Noong una, naisip naming inilalagay nila ang mga Mulawin para makatipid sila sa mga costumes at characters. Magastos din naman ang mga costumes, at sayang din ang mga ginamit na nila sa Mulawin. Iyon pala may balak na silang paghaluin ang mga characters sa pagsasalin sa pelikula ng Mulawin.

Malaki ang advantage ng paghahalo. Una, hindi natin maikakaila na mas mataas ang ratings ng Encantadia ngayon kaysa sa naabot ng Mulawin noong araw. Kalokohan namang iyong Encantadia ang isalin nila agad sa pelikula dahil kumikita pa yon sa tv. Kailangan din naman nating isipin na kailangan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin ng malakas na suporta, dahil kung silang dalawa lang ang bida sa isang pelikula, medyo delikado. Hindi ba yong pelikula nilang silang dalawa lang eh mahina naman noon. Naging malakas ang kanilang pelikula noong kasama na nila iyong StarStruck.

Kung ihahalo mo nga naman ang mga characters ng Encantadia sa Mulawin, siguradong magiging malaking hit. ‘Yang ganyang pelikula ay hindi mananalo ng maraming awards kagaya noong kanilang ginawa noong Jose Rizal at Muro Ami, maliban nga siguro sa best production design, pero sigurado na iyan ay magiging isang malaking hit sa takilya.
* * *
Napuna lang namin, sa loob ng nakaraang apat na buwang lagi kaming naroroon sa simbahan ni Santo Padre Pio sa Barrio San Pedro, Sto. Tomas, Batangas, lalo yatang dumarami ang mga taong nagtutungo roon. Marami kasing may sakit na gumagaling, at maski nga raw iyong sakit sa bulsa, nailalapit na rin kay Padre Pio.

Maraming nagtatanong sa amin kaya namin isinusulat, iyong healing mass sa nasabing simbahan ay tuwing alas 6 ng gabi, tuwing ika-23 ng bawa’t buwan. Maaaring dalhin ang mga may sakit para maipanalangin at mapahiran ng langis.

ANGEL LOCSIN

BARRIO SAN PEDRO

ENCANTADIA

JOSE RIZAL

MULAWIN

MURO AMI

PADRE PIO

PELIKULA

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with