Hirap makipag-communicate kay Lee Dong Gun, na tulad din ng hirap sa pakikipag-usap sa marami nating kapwa Asyano na bumibisita ng Pilipinas. Mabuti sana kung magaling ang kasama niyang interpreter pero, parang limitado rin ang kaalaman nito sa Ingles kung kaya hindi masyadong na-enjoy ang presence ng sikat na Koreano (?) na sa pagmamadaling umalis ay naiwan ang magandang lei na pasalubong sa kanya at ang cake na bigay sa kanya rin dahil birthday niya.
Di naman kagwapuhan si Lee Dong. Rustom Padilla look-alike siya although, in fairness, lamang sa looks department ang Pinoy actor. Twenty six years old ito, at mayron nang minamahal, isang kapwa niya artista na nakasama na niya sa ilang tele-drama niya. Nag-aaral ito sa kasalukuyan ng pagkanta at kung may mag-aalok sa kanya ng trabaho rito ay welcome sa kanya bagaman at inamin niya na magkakaron siya ng malaking language problem.
Isa sa mga nahirang ay isang matapang na anchorman ng ABS CBNs DZMM, ang station manager nito na si G. Angelo Palmones na hindi matatawaran ang naging kontribusyon sa media at sa overall development ng Valenzuela City at kilala sa kanyang straightforwardness in news reporting and his kind heart in public service. Tumanggap din ito ng Best Radio Newscaster sa 13th Golden Dove Awards.
Tinanggap ni Palmones ang pagkilala sa isang seremonya na ginanap nung Hulyo 11, sa Valenzula City Hall Grounds.