^

PSN Showbiz

Judy Ann, naiilang kay Piolo!

-
Halatang nagkailangan sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa kanilang muling pagsasama sa show na ASAP Mania’05 na ginanap noong Linggo, July 17 sa Rose Bowl, Pasadena, California. Halatang hindi mapakali ang dalawa sa kanilang duet number na ‘‘Together Again,’’ hindi sila nagtitinginan.

Pati mga fans na naroon ay nanibago dahil umaasa silang yayakapin ni Piolo ang aktres na dating ginagawa nito pero kahit tinangka ito ng aktor ay hindi niya ito natagalan. Ilang beses na sumigaw ang mga manonood na halikan niya si Juday pero, matagal bago niya ito nagawa. Dismayado ang mga loyal Juday-Piolo fans.

Sa maikling interview sa dalawa pagkatapos nilang mag-duet ay si Juday mismo ang nagsabing pagbalik nila ay gagawin nila ang kanilang pinananabikang soap opera na Kapiling Ka. Availability na lang ng dalawang hinihintay. Tiniyak na sa Agosto ito sisimulan at habang hindi pa nagsisimula ay naghahanap sila ng mga batang artista na papapel na mga batang Juday at Piolo.

Sa naganap na presscon ng mga stars sa USA ay nagpahayag si Piolo na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nila ni Juday pagkatapos ng Till There Was You na tatlong taon nang naipalabas. Hindi lang nito tiniyak kung sa Barcelona pa rin ito kukunan pero ang tiniyak ng aktor ay sa Nobyembre ito gagawin. ALEX DATU

vuukle comment

AGOSTO

HALATANG

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KAPILING KA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

ROSE BOWL

TILL THERE WAS YOU

TOGETHER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with