^

PSN Showbiz

Zsazsa, sama sa Kapamilya US Tour, Dolphy naiwang bantay ng mga anak

-
Parang hindi totoo na ang Hari ng Komedya, pinakamalaking komedyante ng bansa ay maiiwan dito habang ang malalaking bituin ng ABS-CBN ay kasama sa pagbibigay saya sa ating ka-Pilipino sa America. Dalawang malalaking dahilan ang ibinigay ng hari kaya naiwan siya.

Una. Taumbahay siya sa kanilang mga anak ni Zsazsa Padilla na kasama sa US tour. Pwede raw naman siyang sumama kahit wala siya sa line-up ng mga performers doon. Pero syempre, sarili niyang gastos. Medyo mahirap ngayon ang pera kaya dapat munang maghigpit ng sinturon, aniyang nakatawa. At para sa peace of mind ng kanyang mahal na misis kaya rin siya nagpaiwan. Hindi pa raw ganoon kalaki ang kanilang mga anak. Dapat ang palaging pagsubaybay ng magulang.

Ikalawa. May nakatakda na siyang schedule para sa ABS-CBN. Buong tropa ng Quizon Avenue ay lilipad din sa US paliwanag pa rin ni Pidol ay hindi totoong magpapalit ng format. As it is ay tanggap ng viewers ang kanilang palabas na ito. Kaya tuloy ang ligaya.

Hindi na lihim sa kanyang fans na talagang isang mabuti, mabait at sobrang mapagmahal na ama si Dolphy. Kaya nga makikitang hindi napapatid ang kanyang swerte. Para raw sa kanya, aniya pa, pantay-pantay ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak. Kung problema ang mga ito sa anumang aspeto ng kanilang buhay ay nakaalalay siya. Kasama siyang tumatawa pag maligaya sila. Dapat lamang daw ganito ang attitude ng magulang sa anak dahil hindi nila hinihinging sila’y isinilang sa mundong ito. Kaya responsibilidad ng mga magulang na laging nakaalalay sa mga anak.

Sa ngayon ay wala pa siyang balak na magretiro. Habang tinatangkilik siya ng publiko at may project na angkop para sa kanya ay sige siyang magpi-perform. Mahalaga, aniya na alagaan ang kalusugan ng isang tao. Gaya ng ginagawa niya at mapagmahal na pag-aalaga sa kanya ni Zsazsa.

May pahabol pa ang D’King. Noon kasing isang taon ay wala siyang birthday special para sa TV. Dahil nasa ibang bansa siya noon. Pero para sa darating niyang kaarawan, July 26 ay may inihanda ang kanyang home studio na isang talagang ispesyal na show para sa viewers. — Mimi Citco

vuukle comment

BUONG

DAPAT

KAYA

MIMI CITCO

PARA

PERO

QUIZON AVENUE

SIYA

ZSAZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with