As of this writing ay wala pang titulo ang naturang programa na itatapat sa Debate nina Pareng Oscar Orbos at Mareng Winnie Monsod ng GMA 7 na napapanood tuwing Huwebes ng gabi.
Alam na kaya ni Boy Abunda na muling ililipat ng timeslot at araw ang programa niyang Kontrobersyal na kung hindi kami nagkakamali ng tanda ay pa-three weeks palang itong umeere simula nung tanggalin sa Saturday night airing?
Wednesdays nights na raw mapapanood ang Kontrobersyal ni Boy na makakatapat naman ng Pinoy Abroad nina Ivan Mayrina at Rhea Santos.
So, ang dating Kapusong si Cheche na Kapamilya na ngayon ay tatapatan na ang dating mga Kapuso.
Curious lang kami kung kakayanin pa ni Julius ang isang late night show (sabagay once a week lang) gayung may pang-umaga pa siyang programang Magandang Umaga Pilipinas bukod pa sa TV Patrol World.
Di kaya mas lalong ma-insecure sa kanya si Karen Davila na kailan lang ay pinuri-puri si Arnold Clavio na taga-GMA 7 sa kanyang radio program tuwing hapon sa DZMM kasama si Vic de Leon Lima?
Hindi yata nagustuhan ni Karen ang magandang interview ni Julius kay Manay Susan Roces nung nagpa-presscon ito tungkol sa paghingi ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ng sorry sa taumbayan.
Umiyak pa raw si Mrs. Roces kay Julius habang ini-interview na hindi lang namin knows kung na-ere ng TV Patrol World ng buo.
Maraming nakarinig sa radio na mas pinaboran daw ni Karen ang interview ni Arnold kay Susan kumpara sa Kapamilya niyang si Julius.
Ewan lang namin kung alam ito ni Julius o ng sinumang bossing sa News and Current Affairs Department ng Dos na pinuri-puri ni Karen ang taga- GMA 7.
Di kaya type na niyang bumalik sa GMA kaya mega puri siya sa dating kasamahan? Any comment from GMA 7?
"Neng, sa Boracay gustong tumira ng lolo mo, tama ba yun? Akala ko nga nagbibiro, e, talagang sa Boracay daw siya titira at ayaw sa subdivision kung saan nakatirik ang bahay ko.
"Nababaliw siya sa trapik at mausok, at mas lalo pa siyang nabaliw nung may mga nakita siyang nakasabit na mga bata sa dyip, ano raw ba yun, bakit ina-allow daw ng gobyerno natin, o di ba, pakialaman ba?
"Kaya ang sabi ko sa kanya, if you want us to live in Boracay, you have to buy me a helicopter or a private plane that I can use for my work.
"Alangan namang parati na lang akong magpapa-book sa Cebu Pacific o Asian Spirits pag luluwas ako ng Maynila papunta ng ABS-CBN para mag taping? Di kaya mas magastos yun?
"At saka para hindi ako ngarag pag biyahe pupwede akong umalis sa Boracay twenty minutes before ng call time ko, at sosyal, lalapag ako sa helipad ng ABS, di ba?" paliwanag sa amin ng Comedy Queen.
Samantala, maraming viewers ng ETK ang naaliw kay Aiai sa mga interview niya sa mga guest kasama ang katotong Ogie Diaz dahil pa-simple raw ang mga pang-ookray ng naturang komedyana.
Napanood din namin ang segment na ini-interview niya ang isang myembro ng The Baywalk Bodies na inaaway ang miyembro ng Sex Bomb Dancers na si Jopay Paguia.
Bagamat mainit na ang talakayan ay nagawa pang gawing katawa-tawa ni Aiai ang isyu.
Kaya imbes na mag-init ang alaga ni Lito de Guzman na si Jeanette Joaquin natawa na rin ito. REGGEE BONOAN