Independent producer masama ang loob sa MMFF

Disappointed ang mga independent producer sa Metro Manila Film Festival. Ito ay dahil halos tatatlo ang producer ng pitong pelikulang napili sa darating na 2005 Metro Manila Film Festival.

Sa Regal - tatlong entry ang kasali, Ako, Legal Wife (Good Harvest), Shake Rattle and Roll and Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (MaQ) at co-producer sila ng GMA Films for Mulawin.

Ang OctoArts dalawa uli - Enteng Kabisote and Kutob (Canary Films).

Pang-pito ang Enchanted Kingdom (Exodus) ng Imus Production ni Bong Revilla.

May ginagawang pelikula ang Violett Films ni Madam Violett pero hindi ito nakasama.

Wala ring entry ang Viva Films and Star Cinema.

Kung matatandaan, naging malaking issue last year ang mga napiling entries dahil aapat na producer kung tutuusin ang nakapasok na naulit na ngayong taon.

Ayon sa isang independent produ, hindi na sila magi-effort na mag-submit ng script sa susunod na festival dahil wala namang nangyayari. "Nakaka-disappoint. Sa susunod siguro, ‘wag na lang silang mamili. Mag-invite na lang sila ng mga gusto nilang isali. Kasi nagiging useless lang ang pagpi-prepare namin ng script," say ng isang independent produ.

Pero may tatlong slot pang natitira para sa mga hindi napili dahil sampu ang MMFF official entries.
* * *
Bakit kaya nawala na sa eksena ang Star In A Million champion na si Rikka Vega?

Siya lang ang winner ng ABS-CBN singing search ang hindi nakakasama sa shows ng grupo. Kasi hataw sina Erik Santos, Frenchie Dy and Jerome Sala na lahat grand champion ng nasabing search. Pero si Rikka, nawala na sa eksena. Ano na nga bang nangyari sa kanya?

Sina Christian Bautista and Sheryn Regis na mga runner-ups lang, hataw din ang career.

Kung si Jerome nga na Bisaya kung magsalita, kabi-kabila ang shows. Eh bakit si Rikka?

Anyway, this October - Oct. 7 (San Diego) and Oct. 8 (Los Angeles), may reunion ang grupo sa Amerika - Erik, Christian, Sheryn, Frenchie and Jerome with special guest performers, Marissa Sanchez and Divo Bayer.

Ang negosyanteng si Alfonso Chu na mas kilala ng mga Filipino sa Amerika na si Tito Al under the Marissa and ABC Entertainment ang producer ng nasabing concert.

First time na magsasama-sama ng grupo kaya marami ang mga Filipino sa Amerika ang excited na mapanood sila.

Maraming fans sa Amerika sina Erik and Christian. Maging sina Sheryn at Frenchie ay kilala na rin dahil nag-show na sila kasama ang grupo nina Sarah Geronimo last June.

Si Tito Al ang producer ng Night of the Champions last Oct. 2 in L.A and Return of the Champions last June 11 sa L.A and June 17 sa San Diego. Lahat sold out ang nasabing show.

"I guess, showbiz is simply close to my heart that’s why I’m here. I knew it was a risk at first but based on the outcome, I can say you’ll be seeing more of me in the coming days," sabi ni Tito Al na isang accountant by profession na tubong Tacloban City. Pero may soft spot siya sa showbiz na naging rason para mag-produce siya ng mga mga concerts.

Naka-base ngayon si Tito Al sa Anaheim, California at siya ang nag-operate ng Stanford Homes Inc., a residential facility para sa mga mentally ill.

Nagpa-plano siyang mag-produce ng concert sa Amerika twice a year.

Kaya sa mga online readers ng PSN, watch n’yo sila.
* * *
Mga pasaway nga bang mako-consider ang Viva Hot Babes? Puwede. Marami kasing issue na ikinakabit sa kanila.

Andiyan ‘yung tungkol sa pagta-topless umano nila sa Japan, si Andrea del Rosario na nali-link kay Vin Deisel pero nang umano’y tanungin ang Hollywood actor tungkol sa kanya, iba raw ang naging reaction nito.

Ito at marami pang iba ang sasagutin ng mga members ng Viva Hot Babes sa episode ng Showbiz Stripped na Mga Bebeng Pasaway- True stories of the Viva Hot Babes.

Kasamang magsasalita sina Maui Taylor, Andrea, Katya Santos, Sheree, Jen Rosendahl, Myles Hernandez, Ana Leah Javier, Ella V., Asia Agcoilo, Jaycee Parker, Katrina and Vanessa.

Bawat isa sa kanila ay may kuwento.

Like si Katya, naka-recover na kaya siya pagkatapos aksidenteng makuryente ang boyfriend niya na ikinamatay nito?

Si Jaycee Parker, consistent ang issue sa umano’y pagbubuntis courtesy of Danilo Barrios. Pero hindi naman lumalaki ang tiyan.

At ano na nga ba ang direction ng career nila? Mahirap bang maging Hot babe?
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments