Nadine bagong pag-ibig ni Dennis

Maswerte talaga si Nadine Samonte. Di niya expected na mapipili siyang gumanap sa isang bagong character sa Darna. At take note, siya ang iibigin ni Dennis Trillo kapalit ni Angel Locsin na mamamatay sa istorya, dahil pupunta ng US para mag-shooting.

"Nagpapasalamat nga po ako kasi, biglang dumami ang trabaho ko," say ni Nadine. Nag-first day taping na siya sa Darna. Hindi pa man, itinutukso na siya ng mga kasamahan kay Dennis Trillo na tipong masama ang tingin sa kanya pero alam naman ng lahat, walang hilig sa maganda si Dennis.

Ipinasok si Nadine sa serye, habang wala sa eksena si Darna. Okey lang naman kay Nadine, kahit na sabihing special guest lang siya. Ang katwiran niya, maganda naman ang papel na ibinigay sa kanya.

Napansin si Nadine dahil sa magaling na pag-arteng ipinakita niya noon sa Ikaw sa Puso Ko, ngayon naman sa Ganti. Bukod pa dito yung acting niya sa Happily Ever After, kapareha ni Tyron Perez. Vir Gonzales

Show comments