Kung sabagay ay wala pa siyang mahihiling sa takbo ng kanyang showbiz career. Sige siya sa pagganap sa mga teleserye sa Siete. Anak siya nina Jackielou Blanco at Mark Gil sa Ang Iibigin Ay Ikaw. Markado ang kanyang role as Mayumi dahil sa kahit saan siya magpunta ay tinatawag siyang Mayumi at hindi Shermaine. Nakasama rin siya sa Mulawin, Te Amo at Darna. Bukod sa pang-telebisyong nasamahan niyay active din siya sa pelikula. Karamihan ay sa Viva. Pinakahuli ang D Anothers, isang comedy-horror movie na talagang enjoy siyang gawin. Ditoy bida si Vhong Navarro at Toni Gonzaga, under Star Cinema, sa direksyon ni Joyce Bernal.
Sabi pa ni Shermaine, wala siyang pinalalampas na pagkakataon lalot ikauunlad ng kanyang craft. Kaya nga nang alukin siyang sumama sa stage play ay agad siyang pumayag. Sa ngayon ay abala siya sa sunud-sunod na rehearsals ng Noli Me Tangere sa direksyon ni Ann Villegas sa ilalim ng Sining Pinagpala Production. Kasama niya sina Juan Rodrigo at Chubi del Rosario. Itatanghal ito sa ibat ibang venue July 30, sa Teatro Marikina, August 6, sa Bistro 77 at sa August 14 sa Paco Auditorium.
Totoo, wala na siyang maidaraing pa kung teleserye at pelikula ang pag-uusapan. Hindi siya nababakante ng matagal. Pero ang talagang pangarap niyay makilala bilang singer. At eto na nga ang simula ang Pinoy Fresh. Kaya nga nagpapasalamat siya sa Galaxy Records sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong humakbang nang pasulong para sa kanyang pangarap. MIMI CITCO