Ayon pa rin kay Mahal, sa edad niyang 30-anyos ay gusto na rin niyang magkaroon ng pamilya, dangan lamang at hindi pa talaga ibinibigay sa kanya ng Panginoon ang lalaking kanyang mamahalin hanggang sa dumating sa kanyang buhay si Mura.
Idinagdag pa ni Mahal na sa ngayon ay pinag-aaralan pa raw niya kung talagang may pagtingin din siya kay Mura at kung maramdaman niya raw na mayroon na rin siyang nararamdaman dito ay agad niya itong sasagutin.
Inamin din ng bansuting dalaga na noong una ay natatakot siya na baka tumanda siyang dalaga, although talagang itinanim na raw niya sa kanyang isip na posible ngang tumandang dalaga na lamang siya, ngunit nabuhayan daw siya ng loob nang sabihin sa kanya ni Mura na gusto siya nito. Dahil dito ay nangako si Mahal na kapag may naramdaman siyang pag-ibig kay Mura ay hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa na sagutin ito. TONTON VILLAMOR