Dito naman sa atin, wala halos benefits ang mga movie writers, at sa liit naman ng kinikita nila, at kung hindi sila mapapasok sa mga publications na kung saan sinusuba pa sila, talagang mahirapmaka-ipon. Lalo na nga sa panahong ito na ang krisis sa kabuhayan ay nadarama ng lahat.
Sinasabi nga ni Imelda, siya ang isa sa mga singers na masasabing maswerte dahil nagsisimula pa lamang siya ng career niya ay mabait na ang press sa kanya, kaya ngayon gusto naman niyang gumanti ng utang na loob.
Bihira ang mga taong kagaya ni Imelda, na oras na magtagumpay na ay naaalala pa rin ang mga taong nakatulong sa kanila. Marami riyan na tutulungan mo, pero kung hindi ka na kailangan at may tumutulong ng iba, hindi ka na kilala. Pero si Imelda, hindi siya namimili ng mga taong tutulungan. Katunayan nga, marami ang lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong, maski na ang mga kapwa niya artista, at kung may magagawa naman siyang tulong, mabilis tumulong si Imelda. Kaya naman maganda ang dating ng karma sa kanya.
Sana nga matuloy ang show na yan, para naman matulungan niya ang maraming nangangailangan ng tulong sa ngayon.
Ginampanan ng character actor na si Miguel Castro ang role ni Bulan, ang lider ng mga Bagobo na lumaban sa sistemang iyon. Tapos nang makatakas siya ay na-inlove sa isang babaing Kana na niloko lang naman siya.
Marami sa mga nanood ng nasabing musical ang umuwing namumugto ang mga mata.
Marami rin kaming narinig na napakahusay ng pagkakaganap ni Miguel bilang Bulan. Sana maisalin din yan sa isang pelikula para mapanood pa ng mas nakararaming Pilipino.