Mabuhay ka Imelda Papin!
July 14, 2005 | 12:00am
Nang alukin daw si Imelda Papin ng isang show producer na gumawa ng isang concert bilang celebration ng kanyang 27 years sa showbusiness, ang agad na pumasok sa isipan niya ay makagawa ng isang magandang show na ang isang bahagi ng kikitain ay mapupunta sa mga movie writers na matatanda na at mga may sakit. Alam din kasi ni Mel na maraming mga movie writers na nakilala niya noong araw na nagsisimula pa lamang siya ang wala na ngayon, at tila nakaligtaan na nga.
Dito naman sa atin, wala halos benefits ang mga movie writers, at sa liit naman ng kinikita nila, at kung hindi sila mapapasok sa mga publications na kung saan sinusuba pa sila, talagang mahirapmaka-ipon. Lalo na nga sa panahong ito na ang krisis sa kabuhayan ay nadarama ng lahat.
Sinasabi nga ni Imelda, siya ang isa sa mga singers na masasabing maswerte dahil nagsisimula pa lamang siya ng career niya ay mabait na ang press sa kanya, kaya ngayon gusto naman niyang gumanti ng utang na loob.
Bihira ang mga taong kagaya ni Imelda, na oras na magtagumpay na ay naaalala pa rin ang mga taong nakatulong sa kanila. Marami riyan na tutulungan mo, pero kung hindi ka na kailangan at may tumutulong ng iba, hindi ka na kilala. Pero si Imelda, hindi siya namimili ng mga taong tutulungan. Katunayan nga, marami ang lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong, maski na ang mga kapwa niya artista, at kung may magagawa naman siyang tulong, mabilis tumulong si Imelda. Kaya naman maganda ang dating ng karma sa kanya.
Sana nga matuloy ang show na yan, para naman matulungan niya ang maraming nangangailangan ng tulong sa ngayon.
Isang nakakaiyak na musical yang St. Louis Loves Them Filipinos, na palabas ngayon sa Guerrero Theater ng UP. Istorya iyan ng mga Pilipino na ipinadala sa St. Louis noong 1904 at isinama ng mga Kano sa exhibit sa world expo na akala mo, mga hayop na nakakulong sa hawla.
Ginampanan ng character actor na si Miguel Castro ang role ni Bulan, ang lider ng mga Bagobo na lumaban sa sistemang iyon. Tapos nang makatakas siya ay na-inlove sa isang babaing Kana na niloko lang naman siya.
Marami sa mga nanood ng nasabing musical ang umuwing namumugto ang mga mata.
Marami rin kaming narinig na napakahusay ng pagkakaganap ni Miguel bilang Bulan. Sana maisalin din yan sa isang pelikula para mapanood pa ng mas nakararaming Pilipino.
Kawawa naman ang isang baguhang male star. Nang lumabas sa mga diyaryo ang kanyang pictures na nagpapakilala sa kanya bilang isang baguhan sa show business, marami agad ang nakakilala sa kanya, at sinasabi nilang siya ay isang bading. Hindi lamang ang mga barkada niyang bading ang nakakilala sa kanya, kundi maging ang ilang mga lalaking naka-date na niya. Palagay namin kung ganyan ay mahihirapan na siyang sumikat pa.
Dito naman sa atin, wala halos benefits ang mga movie writers, at sa liit naman ng kinikita nila, at kung hindi sila mapapasok sa mga publications na kung saan sinusuba pa sila, talagang mahirapmaka-ipon. Lalo na nga sa panahong ito na ang krisis sa kabuhayan ay nadarama ng lahat.
Sinasabi nga ni Imelda, siya ang isa sa mga singers na masasabing maswerte dahil nagsisimula pa lamang siya ng career niya ay mabait na ang press sa kanya, kaya ngayon gusto naman niyang gumanti ng utang na loob.
Bihira ang mga taong kagaya ni Imelda, na oras na magtagumpay na ay naaalala pa rin ang mga taong nakatulong sa kanila. Marami riyan na tutulungan mo, pero kung hindi ka na kailangan at may tumutulong ng iba, hindi ka na kilala. Pero si Imelda, hindi siya namimili ng mga taong tutulungan. Katunayan nga, marami ang lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong, maski na ang mga kapwa niya artista, at kung may magagawa naman siyang tulong, mabilis tumulong si Imelda. Kaya naman maganda ang dating ng karma sa kanya.
Sana nga matuloy ang show na yan, para naman matulungan niya ang maraming nangangailangan ng tulong sa ngayon.
Ginampanan ng character actor na si Miguel Castro ang role ni Bulan, ang lider ng mga Bagobo na lumaban sa sistemang iyon. Tapos nang makatakas siya ay na-inlove sa isang babaing Kana na niloko lang naman siya.
Marami sa mga nanood ng nasabing musical ang umuwing namumugto ang mga mata.
Marami rin kaming narinig na napakahusay ng pagkakaganap ni Miguel bilang Bulan. Sana maisalin din yan sa isang pelikula para mapanood pa ng mas nakararaming Pilipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am