Balitang nang malaman ito ng seksi at magaling na aktor ay nag-comment pa ito ng "Bakit, totoo namang nagtatrabaho ako ah."
Ang incentive na ito o bonus ay isa lamang sa biyaya na natitikman ng mga magagaling na artist at loyalista ng GMA7.
Para mapalitan si PGMA kailangan ng eleksyon pero, magastos ito, walang pera ang Pilipinas. Pera rin ang kailangan para sa cha-cha at ilan ulit ba itong dapat palitan?
In fairness, habang wala tayong nakikitang kapalit ni PGMA, parusahan na lamang natin siya sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng husto. Marami siyang dapat gawin at isaayos. At kung di siya sincere sa paghingi ng sorry, dapat maging sinsero siya sa kanyang pagtatrabaho. Kapag hindi niya ito ginagawa, saka na tayo ulit mag-isip na palitan siya. By that time siguro, nakahanap na tayo ng maipapalit, di ba?
Amen din ako sa sinabi ng kanyang Presidential Consultant on the Entertainment Industry na si Vic del Rosario na marami rin siyang nagawa para sa industriya, tulad ng suporta laban sa piracy, pagtatatag ng Cinema Evaluation Board, pagbibigay ng P50M incentive sa MMFF at iba pa.
Mapapanood sa Kape Cafe si Marissa sa lahat ng Biyernes ng buwan ng Hulyo at Agosto bilang paghahanda sa formal na pagbubukas nito sa susunod na buwan.
Ang Kape Cafe ay pag-aari ng dating singer na si Bobby Valle at ng kanyang asawang Haponesa na si Chieko Kimura. Makikita rin sa nasabing building ang promotions office ng mag-asawa at mayron din itong sinehan, dance at rehearsal studios, costume boutique at isang fine dining res- taurant, ang Maku Hari.