Buhay ni Valerie nasa 'Magpakailanman'

Tinedyer pa lang si Valerie Concepcion pero dumanas na siya ng malungkot na karanasan sa buhay. Nainlab siya, nabuntis at tinalikuran ng ama ng kanyang "love child."

Naging honest siya sa publiko. Di niya ikinahiya ang karanasan. Lalong di niya alintana na matawag na "unwed mother" at ngayo’y "single parent." Nakuha niya ang simpatiya ng mga tao. At sa tulong ng kanyang mother studio ay eto’t nakabalik sa limelight.

Isasadula ngayong Huwebes ng gabi ang istorya ni Valerie sa Magpakailanman hosted by Mel Tiangco and directed by Argel Joseph hango sa teleplay na sinulat ni Benedict Mique. Gagampanan ni Valerie ang sariling papel at kasama niya sina Jeremy Marquez (boyfriend), Emilio Garcia at Anna Marin (mga magulang), Princess Shuck at Sean Ignacio (mga kapatid).

Show comments