Papayag kaya si Snooky na hindi kagandahan ang ipinagpalit sa kanya ni Ricardo?
Eh nagsabi pa naman siyang shes hoping for the best pa sana para ayusin ang lahat ayon sa actress sa interview ni Richard Gomez sa S Files, pero ngayon ngay may iba na pala itong girl, baka nga malabo na silang magkabalikan.
Cry to death si Snooky nang finally ay aminin na hiwalay na sila ng actor. Pero ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa annullment.
Hayaan na lang nating tapusin ni PGMA ang kanyang termino. Kasi wala rin naman tayong magagawa kung magpo-protesta lang tayo.
Pinagbibitiw nga natin siya, hindi naman natin alam kung anong mangyayari after niyang mag-resign.
Kaya sana tumigil na lang sila sa pagpo-protesta dahil nagkaka-traffic kung saan-saang lugar.
Kasaluyang nasa Amerika ang couple at naka-schedule dumating ng bansa sa July 14, Thursday para ayusin ang mga last-minute details ng kanilang wedding preparation. Ang parents ni Tootsie na sina Mommy Tess amd Daddy Manny ang nag-aasikaso sa kasal ng anak. Nag-hire sila ng wedding planner, si Rita Neri na in charge ngayon sa lahat ng details na crucial sa nasabing once in a lifetime event.
Kasama sa wedding entourage ang mga mentors ni Tootsie sa entertainment industry - among them are songwriter Vehnee Saturno, German Moreno, Jose Mari Chan, talent managers Ida Henares and Arnold Vegafria.
Creation ni Pepsi Herrera ang gown na isusuot ni Tootsie na specifically designed according to Tootsies preferred immaculate cut of lace and soft material.
Sa Makati Shangri-La ang reception.
Four years ago nang magkakilala ang dalawa through Geneva Cruz na common friend nila. "Jansen was then in the Philippines to pursue his Physical Therapy studies at St. Jude College. He showed us his determination to win me over because he would travel all the way from Subic to our house in Cainta, just so he could see me. More than that, he exerted effort to be close to my Mom. That convinced me more than anything because very few would try and do that way," sabi ni Tootsie sa isang press statement.
Commercial model and self-confessed frustrated singer naman ang magiging husband ni Tootsie. "Mommy Tess (Tootsies mother) warmed up to me and graciously accepted me maybe because she saw that I only have good intentions for her daughter. Moms knows that. She saw how sincere and patient I was," sabi naman ni Jansen sa nasabing press statement.
Before Alfred, si Jericho Rosales ang alam kong endorser ng Walker. "Alfred is being packaged by Walker as its young and daring man who is never afraid to dwell into realm of aggressiveness to achieve his goals," ayon sa isang Walker executive.
Kunsabagay, achiever na mako-consider si Alfred. Believe it or not, pero graduate siya ng AB Management major in Economics sa Ateneo de Manila University, Batch 2002. Ilan lang nga ba ang artista nating naka-graduate ng college? Mabibilang mo lang.
When he joined showbiz couple of years ago, na-prove niya agad na aside from his looks and brain, meron din siyang acting talent. Proof dito ang pagkapanalo niya sa Golden Screen Awards for Breakthrough Performance of an Actor in 2004.
Nominated din siya for best supporting actor sa Urian Awards that same year.
At two weeks ago lang, siya ang GMA Kapuso Viewers Choice awardee as the Sexiest Male Idol sa 55th Anniversary of GMA 7 na ginanap sa Aliw Theater.
Two movies na ang nagawa ni Alfred, Bridal Shower and Bikini Open kung saan parehong na-recognized ang acting niya. Kasama rin siya sa Encantadia and Daisy Siete na parehong top rated show ng GMA 7.
Kelan lang din ay nanalo siya ng brand new car sa Extra Challenge.
Kaya nga mako-consider na patung-patong na suwerte ang tinatanggap ngayon ni Alfred.
Kung tutuusin, hindi na sa kailangan ni Alfred na mag-artista para kumita dahil ok naman ang kanilang pamilya, pero enjoy si Alfred sa ginagawa niya.
Ukay-ukay as in puwede kayong makabili ng mga gamit ng mga ini-idolo nyong artista na hindi na nila kailangan.
Gaganapin ito sa July 17-20 sa parking lot area fronting Klownz Araneta Center.
Limited lang sa 60 stalls ang magpa-participate. Ang Ukay-Ukay ay open ng 12NN until 1:00 AM.
Puwedeng wholesale and retail ang bentahan ng mga goods. "Ang dami nang nag-confirm. Feeling ko nga, kulang yung plano naming 60 stalls," kuwento ni Lito.
Kasama sa mga magpa-participate sina Aiai delas Alas, Allan K., John Lapuz, Ya Chang, Ella V., Assunta de Rossi, Katrina Halili, Francis Magalona, Jay Manalo among others. "Marami pang malalaking stars ang gustong mag-participate. Inaayos lang namin," Lito added.
So exciting ito. At least, makakatulong ito sa mga fans na mahilig magsuot ng mga gamit ng idol nila.