Kaya lang, kasama si Richard sa talent ng GMA-7 na pupunta sa Amerika sa launching ng GMA Pinoy TV, ano kaya ang gagawin ng scriptwriter at ni director Mark Reyes dito?
Sayang palat kung kailan babalik sina Ynang Reyna at Raquim at makokumpleto na sana ang cast ng telefantasya ay saka naman wala si Muyak (Nancy Castiglione). Wala pa ring balita kung kailan ito babalik sa bansa at nalaman naming, on-leave din siya sa Lagot Ka Isusumbong Kita.
Samantala, tuloy ang petition ng Enkantadiks (tawag ng followers sa telefantasy) sa GMA-7 para maglabas ng VCD/DVD copy nito para sa mga hindi regular na nakakapanood ng show. Visit HYPERLINK "http://www.petitionspot.com/petitions/encantadia" http://www.petition spot.com/petitions/encantadia at pumirma na rin kayo para aksyunan ng network ang request ninyo.
Mapagbibigyan na ang request ng viewers na mag-release ng OST o Original Soundtrack ng telefantasy dahil lalabas na ang "Tunog Kapuso-Best of GMA TV Themes" this month. Compilation album ito ng theme songs ng mga teleserye ng network kasama ang mga kanta sa Encantadia.
Unang naalis si Toni sa ETK at ang MRS, isa pa niyang show, ay hanggang July 15 na lang. Kahit may ASAP, My Juan and Only at Wazz Up, Wazz Up pa siya, hindi pa rin maganda sa kanya ang mawalan ng show. Ano nga ba ang naging problema ng MRS at kahit magagaling na hosts sina Amy Perez, Marvin Agustin at Roderick Paulate ay hindi ito kinagat ng audience? Hindi ito nakaabante sa rating sa katapat nitong Sis.
Bakit nga pala hindi pagsamahin sa isang show sina Toni at Lucky Manzano? Maku-curious ang tao dahil nali-link sila, kahit tigas na tanggi ni Toni sa presscon ng D Anothers na boyfriend niya ang binata. Bakit hindi sila ang gawing hosts ng QPIDS?
Hindi pa nga raw ito nakakapunta sa bahay nilat pinakiusapan niyang wag siyang dalawin sa kanyang taping para matigil ang panunukso sa kanila
The first time na ginaya ni Gladys si Annabelle, nag-react si Raymond lalo na nang tawagin siyang gulaman dahil sago raw ang twin niyang si Richard Gutierrez. "Mom, Im not gulaman, Im Raymond," sumbong nito sa ina na ikinatawa lang ni Annabelle.
Ang tanong lang ni Annabelle kay Raymond ay kung negative ang panggagaya sa kanya ni Gladys. Nang malamang pure for fun ang ginagawa ni Gladys, hindi na siya nag-react. Sabi na lang ni Annabelle, American ang upbringing ni Raymond at hindi maintindihan ang Pinoy humor.
Minsang makita si Youngstar A, kinumusta namin sa kanya si Youngstar B, kahit hindi nagsalitat, obvious sa facial expression nitong hindi niya feel ang ka-conflict. Kahit press ang kaharap, umismid ito na ikinaaliw namin.
Iba naman ang drama ni Youngstar B pag naririnig ang pangalan ni Youngstar A, basta na lang siya tumatahimik. In other words, dedma siya sa existence nito.