Usually kung panahon ng Kapaskuhan, maraming pera ang mga bata, at ang mga matatanda namang may trabaho pa, nakatanggap ng bonus kaya may nagagasta sila. Iyan din ang panahong talagang gumagastos ang mga tao, kaya nga kahit na walang kuwentang pelikula kumikita kung festival.
Pero bago ang festival, at pagkatapos ng festival, wala nang lumalabas na gagawing malaking pelikula. Yong mga nagsasabing box office hit sila, publicity lang yon. Yong nakikita sa tv na maraming taong nanonood, premiere night lang yon na wala namang bayad. Ang mga tickets sa premiere ay nakukuha nang libre sa pagsali sa mga promo sa mga istasyon ng radyo. Hindi gaya noong araw na basta sinabing premiere night, may bayad at mas mahal pa nga.
Ang patuloy na pagtaas ng taxes, ang pagbagsak ng buying power at halaga ng piso at ang inutil na kampanya ng gobyerno laban sa piracy ang siyang tunay na dahilan kung bakit hindi na makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Kung magpapatuloy ang sitwasyong ito, maaari na siguro nating kalimutan na mayroon pa nga tayong industriya ng lokal na pelikula.
Ang hitsura niya ay parang pinaghalong Dingdong Dantes at si Gabby Concepcion noong bata pa. Tipong matinee idol ang dating niya talaga. Palagay namin kung mabibigyan lang iyan ng tamang exposure, posibleng sumikat yan bilang isang matinee idol. May mga commercials na rin palang nagawa si James. Para sa isang cell phone company. Nakuha na rin siyang model ng isang food chain.