Kapatid ni Lea Salonga hataw bilang sing-along master

Makilala pa kaya ni Lipa Mayor Vilma Santos si Jun-jun (anak niya sa movie na Ipagpatawad Mo with Christopher de Leon several years ago) na Terence Baylon in real life? I doubt it. Parang nag-iba na kasi ang hitsura ni Terence ngayon kaya palagay ko, hindi na siya basta-basta makikilala ni Mayor Vi.

At kung si Terence ang tatanungin, gusto niyang makasama uli si Ate Vi sa movie lalo na ngayong gusto uli niyang mag-active sa pelikula.

Actually, magandang idea. Parang reunion movie. O kaya naman, i-remake na lang nila ‘yung Ipagpatawad Mo.

Anyway, nawala man noon si Terence sa showbiz several years ago, nakatapos naman siya ng studies. At ngayong graduate na siya, puwede na siyang mag-full time sa showbiz.

Graduate siya ng Marketing at nagpa-plano siyang mag-Master.

Sambahin Mo Ang Katawan Mo
starring Stella Ruiz ang last movie ni Terence.

Seven years old lang siya nang mag-artista at sikat siya no’n nang mag-decide na mag-quit sa showbiz.

Si Jojo Gabinete ang manager ngayon ni Terence. Pang-matinee idol na ang dating niya. Matangkad, 5'9" ang height at puwedeng-puwede sanang isabak sa sexy movie. Kaya lang, hindi na gaanong in demand ang sexy movies.

Forte pa rin ni Terence ang drama. In fact, pini-prefer niya ang drama in case na magkaroon ng offer.

May offer na sana siyang mag-appear sa Magpakailanman, pero nag-decline muna si Jojo.

Kung tutuusin hindi rin naman siya nawala sa eksena dahil marami siyang ginawang commercial. As in 32 - para sa iba-ibang produkto.

Maraming plano si Jojo kay Terence. Regular TV shows and movie. Marunong din siyang kumanta kaya puwede nga namang isabak sa singing.
* * *
Regular performer pala sa Klownz Araneta, Quezon Ave., and Angeles at Zirkoh ang half brother ni Lea Salonga na si Jeffrey Mendoza Salonga. You read it right. Pero mas makilala siya bilang Ghie Kinis sa mga nasabing comedy bars.

Actually, bago siya naging sing along master, nag-try muna siyang mag-work sa advertising company at sa ABS-CBN International. Pero hindi siya na-satisfy. Mas gusto niya talagang mag-perform in front of many people.

Nangyari naman ‘yun.

At kahit kailan, wala siyang naging problema sa pamilya niya kahit na nga sabihing iisa ang father nila ng international singer na si Lea. Gaano naman sila ka-close ni Lea at Gerard?

"Close enough. Last birthday ko nag-dinner kami. Sana rin maga-attend ako ng wedding ni Gerard pero wala agad akong nakuhang susuotin," Ghie said.

Graduate si Ghie ng Fine Arts sa UP. No wonder he’s very articulate na nagagamit niya sa kanyang trabaho ngayon.

At sino naman ang ina-idolize or gusto niyang i-impersonate and why? "I don’t usually impersonate but idolize certain artists like Janno Gibbs, Lea and Regine Velasquez since they work hard at their craft and they’re good at it."

Pangarap niya ring maging successful and popular entertainer and doing concerts hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa.

Sa mga hindi nakakaalala, si Ghie pala ang reason nang ma-suspend si Joey de Leon sa Eat Bulaga for two months. Nag-guest siya late last year sa Eat Bulaga nang may na-mention na word si Joey na sinagot niya. Actually, hindi niya naisip na bastos na pala ang dating no’n. "Nag-sorry naman ako kay Joey at ok lang naman sa kanya," he recalled.

Anyway, ka-join si Ghie sa 16 top sing-along masters sa first ultimate reality based search comedy showdown na gagawin sa Klowns and Zirkoh, ang The Chosen One (Trip to Fame).

Sa Maldivas group ka-join si Gie. Kasama niya sa grupo sina Pol, Niki and AJ.

Malaking pera ang naghihintay sa mananalong grupo. "Excited na nga ako. Kasi nga parang ngayon lang kami nagkaroon ng chance na kami talaga ang center of attraction," he said.

Oo nga naman, parati na lang kasi silang on the side. But this time sila talaga ang bida.
* * *
Hello sa staff ng Ethnic Home, distributor ng mga teakwood furniture sa Kamagong, Makati. Ang ganda ng mga binibenta nilang furniture. For inquries please call 8961746. Puwede n’yong hanapin sila Eden Solis, Nelwie Cadalin, Dony Valdevieso, Jayson Allan, Tata, Ayan, Al-Al, Jr., Jenjen, Jomar, Laloy, Boyet, Sandi and Ariel.

Show comments