"Nakakahiya kasi hindi dumating si Maui, baka sabihin nila, manloloko ako," ang katwiran ni Myra.
Habang sinusulat ito ay hindi pa nakakapagpaliwanag si Maui sa hindi nito pagsipot sa show pero, two days after the show ay nagsoli ito ng down payment na tinanggap niya.
Maganda naman ang naging show. Pumatok at kwela sa tao ang mga talents ng MOD na Bloom Girls at Men of Dreams. Agad ding nakuha si Belinda Bright para punuan ang di pagsipot ni Maui.
Ang "Sa King Panaginip" ay isang komposisyon ni Melvin Morallos na nagkamit ng Grand Prize sa Levi Music Song Festival na inisponsoran ng Viva Foundation for the Arts. Si Agatha na nag-interpret ng song ay nag-aral ng voice sa UST Conservatory of Music at piano sa UP. Mayron nang music video ang kanta na dinirek ni Robert Quebral.
Isa sa mga highlights ng kanyang career ay nang mag-audition siya nung 1995 sa German production ng Miss Saigon. Mas pinili niya ang manatili ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang singing career.
Ang eight-track album niya ay naglalaman ng "Id Rather Leave While Im In Love", isang revival at ang mga orig na "Back To One", "Loves Around", "Never Let Go", "Things Will Be Alright", "I Believe" at "Kailan Pa".
Okey na sa akin yung mungkahi ng isang magaling na abogado at naging dating senador, at maging ng isang magaling na ekonomista, na kung walang maipapalit ay hintayin na lamang natin na tapusin ni PGMA ang termino niya. Pero habang nasa posisyon siya ay dapat madaliin niya ang mga reporma na ipinangako niya sa pamamagitan ng pagsugpo ng graft and corruption (sobra na ang graft and corruption sa gobyerno!!!) and reducing red tape sa govt.
Hindi rin dapat maging option ang violence. Tayo namang Pilipino ay walang di titiisin basta maging matahimik lamang ang ating buhay at bansa, kahit na ang sagad na kahirapan. Kahit sawa na tayo sa hirap!
Pero, sa malas, ayaw din ang option na ito ng marami. Di lamang yung mga kagalit ni GMA. Pati si Gng. Cory Aquino, ang maraming cabinet members na pinapag-resign ng pangulo. At mga myembro ng armed forces na in the days to come ay baka maglabasan na rin, hindi yung mga junior members kundi yung mga superiors nila.
Dito dapat pumasok ang mga well-meaning leaders and sectors of society, kasama na ang simbahan at civil society who should always adhere to the constitution and the rule of law. Ito ang dapat nating pakaiisipin, na lahat ng problema natin ay hindi natin malulutas sa pamamagitan ng init ng ulo at gulo.