^

PSN Showbiz

Totoong niligawan ni Diether!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nagsalita na si Pauleen Luna sa isyu with Diether Ocampo at Kristine Hermosa. Si Pauleen ang sinasabing dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Inamin ni Pauleen na totoong niligawan siya ni Diether.

"But it was even before na naging sila ni Kristine," paglilinaw ni Pauleen. "Nanligaw siya sa akin pero ‘yun ‘yung time bago sila nagkasama sa Sana’y Wala Nang Wakas."

Pero ani Pauleen, hindi naging sila ever ni Diet.

"Iba po ‘yung nanligaw sa sinagot. Hindi po naging kami," sabi pa ni Pauleen.

May kinalaman ang pamilya ni Pauleen kaya nagsalita na siya. Partikular ang ama niya na naapektuhan sa mga naglalabasang balita.

"Si Mommy kasi, kaya niya eh. Pero ang daddy ko and my family, hindi. Kaya nagsalita na rin ako."

Ang pinakamaganda sa nasabing interbyu ni Pauleen ay ang naging mensahe niya kina Diether at Kristine na dumadaan sa matinding pagsubok sa kanilang relasyon ngayon.

"Kung nagmamahalan kayo, go! Ipaglaban ninyo," sabi nito na ikinagalak ng marami.
* * *
Nagsalita na rin si Jeremiah Rosales sa isyu ng pagkakaroon niya ng anak. Si Jeremiah ay member ng kalulunsad lang na Star Circle Batch 13. Siya ang nakababatang kapatid ni Jericho Rosales. Inamin niya na siya ang tinutukoy na baguhang aktor na mayroon nang anak. Bago pa man lumaki ang isyu, inayos na ni Jeremiah ang isyu. Kinausap niya ang ina ng anak niya. Nagsalita na rin ang ina ng anak niya sa isyu.

As agreed, itutuloy ni Jeremiah ang suporta sa kanyang anak. Ipag-o-open niya ng savings account ang ina ng bata para sa kanyang monthly support sa kanyang anak.

"Kaya nga po gusto kong magtuluy-tuloy na ang career ko. Para sa anak ko at maging isang responsableng ama ako sa kanila."

Nahihiya pero thankful at the same time si Jeremiah sa kapatid na si Jericho.

"Nahihiya ako kasi siya ang ginagawang isyu, eh samantalang ako naman itong may intriga. Nagpapasalamat ako sa kuya ko kasi tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay."

May payo si Jeremiah sa mga kaedad niya.

"Huwag magpadalus-dalos sa mga desisyon sa buhay. Pero kapag may responsibilidad, kailangang harapin."
* * *
Napili na last Sunday ang dalawang grand finalists na bubuo sa Champions League of 12 ng Search For The Star In A Million (Season 2). Sa limang nag-compete last Sunday na kinabibilangan nina May Cogonon, Tony dela Paz, Venus Gutierrez, Oreo Vamenta, at Joey Ignacio, sina Joey at Tony ang pumasok bilang grand finalists.

Sa naging competition last Sunday, hindi mo talaga masasabi kung sino ang matatanggal at kung sino ang mari-retain. Sa lima, consistent sina Tony at Joey. Sila rin ang masasabing may star appeal. Tiyak na yung star appeal nila ang naging edge nila sa kanilang mga nakatunggali.

Next Sunday, madugo na naman ang elimination. Maglalaban-laban na sina Jay Perillo, Kris Lawrence, Mitch Tizon, Jessica Fernando at Anne Quitoriano.

vuukle comment

ANAK

ANNE QUITORIANO

CHAMPIONS LEAGUE

DIETHER OCAMPO

INAMIN

NAGSALITA

NIYA

PAULEEN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with