Makaligtas man sa parusa ng tao, sa Diyos ay hindi!

After last night, nalaman ko na ang aking kasama sa trabaho, kaibigan at kapwa babae na si Salve Asis, na sinalaula ng isang artista na dapat ay nagpapatawa at umaaliw sa mga tao lalo na sa panahon ngayon ng taghirap at kawalang pag-asa, pero sa halip ay lumiligaya sa pamamagitan ng pang-aabuso sa mga babaeng mahina at walang laban ay hindi titigil sa kanyang laban against a TV host/comedian.

Humanga ako na sa kabila ng naglipanang mga mapagsamantalang tao ay may isang Atty. Bonifacio Alentajan na nagbibigay ng kanyang serbisyong legal ng libre para lamang mabigyan katarungan ang kahalayang tinanggap ni Salve sa isang komedyante na hindi na nakakatawa kundi nakakainis na.

Marahil nagtataka kayo kung paano nakakakaya ni Salve ang serbisyo ng isang de kampanilyang abogado na tulad ni Atty. Alentajan. I’m sure na may nag-iisip pa nga na may financier si Salve pero, para sa mga naaapi at walang pambayad para sa isang mahusay na abogado, dumating sa kanyang rescue ang kanyang abogado na marami ang nagsasabi na kaya tumutulong ay dahil may balak pumasok ng pulitika. Pero, sabi ng abogado sa magkaibigang Ian (Fariñas) at Salve, "If You can’t afford a good lawyer, find someone who can afford."

Sa di maipaliwanag na dismissal ng kaso ni Salve, na hanggang ngayon ay sa dyaryo at sa mga sitsit lamang narinig ng nagdemanda, balak ng kanyang abogado na mag-file ng motion for reconsideration. DAPAT!!! Balak din nitong kasuhan ang fiscal na humawak ng kaso for giving the defendant unwarranted benefits at dahil abogado ito, hihilingin nilang ma-disbar ito.

Mahaba pa rin ang tatakbuhin ng kaso ni Salve pero, anuman ang kahihinatnan nito, marami nang magagandang leksyon na natutunan ang aking kaibigan. Nakakita siya ng mga totoong tao, nakilala niya kung sino ang tunay niyang mga kaibigan at yung mga nagpapanggap lamang. Pinaka-mahalaga, alam na niya na hindi lahat ng nakakatawa ay mabuti at maganda. At sa kabila ng lantarang graft and corruption sa ating gobyerno, meron pa ring mga straight na tao, marami pa rin sila.

Good luck, Salve, at mabuhay ka sa iyong laban. Hindi man maparusahan ng tao ang mga nagkasala sa iyo, you can rest assured na sa huling paghuhukom ng Diyos, di sila makakaligtas!
* * *
Hindi lamang magandang tingnan ang Baywalk Bodies, masarap pa rin silang pakinggan. Kaya nga sila kinuha ng Alpha Rercords para gumawa ng album, dahil nakita nito ang potensyal nilang maging best sellers. Ngayon pa lamang ay mabentang- mabenta na sa mga record bars ang kanilang "Kilig" album. Resulta ito ng masipag na pagpu-promote nina Pantene Palomino, Michaela Monteverde, Ivory Ibañez, Jeannette Joaquin, Rejoice Rivera, Rizza Ruiz, Dove de Vera, Luxx Laurel, Hazel Espinosa, Camay Cojuangco at Palmolive Palma di lamang dito sa Kamaynilaan kundi maging sa malalayong probinsya. Kagagaling lamang nila sa Cebu at Davao. At dahil sa kanilang kaabalahan, di tuloy natangsgap ni Palmolive ang isang magandang alok na kumanta sa Japan. Sayang ang dolyar. Pero, sa halip pupunta sila nina Rejoice at Pantene sa Australia para mag-show.

Sa ngayon busy ang grupo sa kanilang guesting sa TV at mall tour. Panay ang labas nila sa Ang Panday ng ABS CBN.

Ang mga tracks sa album nila ay ang "Pasulyap-sulyap", "Chocolate (Choco-Choco)", "Xibom Bom Bom", "Pinagbigyan (Dance Remix)", "Kilig (Dance Remix at "Sing Along Version)" at "Pagbigyan (Sing Along Version)".
* * *
Ibabalik daw sa Encantadia ang magkaparehang Richard Gomez at Dawn Zulueta. Good news ito sa mga tagasubaybay ng magandang telefantasya ng GMA7 although mahirap isipin how it will affect Amihan (Iza Calzado) na siyang pumalit kay Dawn bilang reyna. Nagsanga-sanga na rin ang landas ng apat na prinsesa (Danaya /Diana Zubiri, Alena/ Karylle at Pirena/Sunshine Dizon na ang tatlo ay magkasanib pa rin ang pwersa laban sa isa nilang kapatid na nabigyan ng masamang impluwensya kaya nagkaro’n ng di magandang ambisyon.

Di bale nang di makabalik ng Tanay ang grupo para mag-taping dahil nagpagawa na ang GMA ng sarili nilang waterfalls sa loob ng kanilang soundstage sa Rizal.

Exciting din ang pagbabago-bago ang loyalty at isip ng mga tauhang tulad nina Hitano (Polo Ravales), Lira (Yasmien Kurdi), Mila (Jennylyn Mercado), Anthony (Mark Herras).

But more than the action, pinakahihintay ng manonod ang resumption ng romansa nina Alena at Ybarro (Dingdong Dantes).

Show comments