Bf ni Ethel, gaganap na Zuma!
July 6, 2005 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng premiere night sa Naval, Biliran (Leyte-Region VIII) nung nakaraang Linggo, Hulyo 3 ng gabi na ginanap sa Naval Institute of Technology Gym na may seating capacity ng mahigit limang libong katao para sa pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa, isang action-romance-comedy na pinamahalaan ni Willy Milan sa ilalim ng Cine Suerte Films ni Ben M7 Yalung.
Tampok na mga bituin sa pelikula sina Mikey Macapagal Arroyo, Ethel Booba, Katrina Halili, Pekto, Salbakuta, Al Tantay, John Apacible, Anna Leah Javier at maraming iba pa. Ipinapakilala sa nasabing pelikula ang batang kongresista na si Rep. Gerry Boy Espina, Jr. at sa pagnanais niyang mabigyan ng kasiyahan at maibahagi sa kanyang mga kababayan sa Biliran ang kanyang unang pelikula ay siya na mismo ang nagmungkahi sa Cine Suerte producer na si G. Ben Yalung na magkaroon ng premiere showing ng pelikula sa kanilang lugar at hindi naman siya nabigo.
Sa tulong ni Cong. Gerry Boy Espina, ang kanyang amang mayor na si Mayor Gerry Espina, Sr., at ang kanyang nakatatandang kapatid na gobernador ng Biliran na si Gov. Rogelio Espina at mga local officials ng Biliran, isang matagumpay na premiere night ng pelikula ang naganap. Apaw ang tao sa loob ng Naval Institute of Technology Gym at maging sa labas mismo ng nasabing venue dahil may naka-set-up ding malaking screen sa labas ng gym para sa mga taong hindi na nakapasok sa loob.
Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao. Bukod sa mga local officials ng Biliran sa pamumuno ng mag-aamang Mayor Gerry Espina, Sr., Gov. Rogelio Espina at Cong. Gerry Boy Espina, Jr., dumalo rin sa nasabing okasyon ang mga lead stars ng pelikula sa pangunguna ni Cong. Mikey, Ethel, Katrina at Salbakuta. Naroon din ang TV crew ng GMA-7 sa pamumuno ni Lhar Santiago at ang ABS-CBN na pinamunuan naman ni Marie Lozano.
Walang alinlangan na well-loved ng mga taga-Biliran ang Espina family lalung-lalo na si Gerry Boy na sa tuwing lumalabas ang mukha sa screen ay may mainit na reaction ang kanyang mga kababayan. Naging mainit din ang pagtanggap ng mga Biliranon kay Cong. Mikey at sa mga kasamahan nitong celebrities pero hindi namin sukat akalain na sobra palang sikat doon ni Ethel na siyang nakatanggap ng pinakamainit na response mula sa audience. Syempre pa, tuwang-tuwa ang kanyang cager-boyfriend na si Alex Crisano sa mala-superstar na pagtanggap ng mga taga-Biliran kay Ethel.
Dalawang malalaking screen ang itinayo sa loob ng Gym at isa naman sa labas para siguradong mapanood ang pelikula ng libu-libong mga kababayan ni Gerry Boy, ang matalik na kaibigan ni Mikey hindi lamang sa kongreso kundi maging sa pelikula.
Si Mikey ay sa bahay ng mga Espina tumuloy habang ang ibang tropa ay tumuloy sa bagong tayong Marvin "James" Seaside Inn na matatagpuan sa Atipolo, Naval sa Biliran.
Nagmistulang fiesta ang atmosphere ng Naval nang dumating doon ang tropa ng pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa sa pangunguna ni Mikey Arroyo. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa September 14.
Mahal nga talaga nina Ethel Booba at Alex Crisano ang isat isa dahil walang pakialam ang dalawa sa kanilang paglalampungan kahit sa harap ng maraming tao. Si Alex ay may dalawang anak (isang 5 at isang 3) sa nauna nitong karelasyon at ang dalawang bata ay kasama nina Ethel at Alex sa kanilang tinitirahang condominium. Walang problema kay Ethel kung siya man ay naging instant step-mom ng dalawang bata dahil mahal niya si Alex na nahaharap din ngayon sa isang kontrobersiya na may kinalaman sa demandang isinampa ng dati nilang katulong na may kinalaman sa sexual harassment.
Naiipit ngayon si Ethel sa pagitan ng kanyang pamilya at mahal niyang si Alex. Hindi pabor kay Alex ang pamilya ni Ethel na umaasa sa kanya pero hindi naman niya pwedeng talikuran na lamang si Alex ng basta-basta dahil mahal niya ito.
Ayon kay Ethel, magmula nang siyay makapaghanap-buhay siya na ang sumusuporta sa kanyang pamilya pero kahit kailan umano ay hindi niya isinusumbat ang kanyang ibinibigay na tulong.
"Sana naman maunawaan din ng pamilya ko na may sarili rin akong buhay na dapat kong harapin. Malalaki na ang mga kapatid ko at inaasahan ko naman na matuto rin silang magsikap tulad ko. Hindi naman pwede na habang panahon ay nakasandal sila sa akin," pagtatapat nito.
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ng basketbolistang si Alex Crisano na siya ang napisil ng Cine Suerte Films para gumanap sa title role na Zuma, isa itong sikat na character na serialized sa isang komiks noon. Ang unang movie version nito ay ginampanan ni Max Laurel nung dekada otsenta.
Ayon sa Cine Suerte producer-director na si Ben M7 Yalung, perfect umano si Alex sa role na Zuma. Bukod sa height nito, naroon pa ang pagka-mestiso nito na siyang tunay na katauhan ng komiks character. Ang maganda pa, hindi takot sa ahas si Cris.
Ang bagong version ng Zuma ay siyang nakatakdang ilahok ng Cine Suerte Films sa darating na Metro Manila Film Festival kung saan din kasama ang controversial actor-politician na si Mikey Macapagal Arroyo.
E-mail: [email protected]
Tampok na mga bituin sa pelikula sina Mikey Macapagal Arroyo, Ethel Booba, Katrina Halili, Pekto, Salbakuta, Al Tantay, John Apacible, Anna Leah Javier at maraming iba pa. Ipinapakilala sa nasabing pelikula ang batang kongresista na si Rep. Gerry Boy Espina, Jr. at sa pagnanais niyang mabigyan ng kasiyahan at maibahagi sa kanyang mga kababayan sa Biliran ang kanyang unang pelikula ay siya na mismo ang nagmungkahi sa Cine Suerte producer na si G. Ben Yalung na magkaroon ng premiere showing ng pelikula sa kanilang lugar at hindi naman siya nabigo.
Sa tulong ni Cong. Gerry Boy Espina, ang kanyang amang mayor na si Mayor Gerry Espina, Sr., at ang kanyang nakatatandang kapatid na gobernador ng Biliran na si Gov. Rogelio Espina at mga local officials ng Biliran, isang matagumpay na premiere night ng pelikula ang naganap. Apaw ang tao sa loob ng Naval Institute of Technology Gym at maging sa labas mismo ng nasabing venue dahil may naka-set-up ding malaking screen sa labas ng gym para sa mga taong hindi na nakapasok sa loob.
Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao. Bukod sa mga local officials ng Biliran sa pamumuno ng mag-aamang Mayor Gerry Espina, Sr., Gov. Rogelio Espina at Cong. Gerry Boy Espina, Jr., dumalo rin sa nasabing okasyon ang mga lead stars ng pelikula sa pangunguna ni Cong. Mikey, Ethel, Katrina at Salbakuta. Naroon din ang TV crew ng GMA-7 sa pamumuno ni Lhar Santiago at ang ABS-CBN na pinamunuan naman ni Marie Lozano.
Walang alinlangan na well-loved ng mga taga-Biliran ang Espina family lalung-lalo na si Gerry Boy na sa tuwing lumalabas ang mukha sa screen ay may mainit na reaction ang kanyang mga kababayan. Naging mainit din ang pagtanggap ng mga Biliranon kay Cong. Mikey at sa mga kasamahan nitong celebrities pero hindi namin sukat akalain na sobra palang sikat doon ni Ethel na siyang nakatanggap ng pinakamainit na response mula sa audience. Syempre pa, tuwang-tuwa ang kanyang cager-boyfriend na si Alex Crisano sa mala-superstar na pagtanggap ng mga taga-Biliran kay Ethel.
Dalawang malalaking screen ang itinayo sa loob ng Gym at isa naman sa labas para siguradong mapanood ang pelikula ng libu-libong mga kababayan ni Gerry Boy, ang matalik na kaibigan ni Mikey hindi lamang sa kongreso kundi maging sa pelikula.
Si Mikey ay sa bahay ng mga Espina tumuloy habang ang ibang tropa ay tumuloy sa bagong tayong Marvin "James" Seaside Inn na matatagpuan sa Atipolo, Naval sa Biliran.
Nagmistulang fiesta ang atmosphere ng Naval nang dumating doon ang tropa ng pelikulang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa sa pangunguna ni Mikey Arroyo. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa September 14.
Naiipit ngayon si Ethel sa pagitan ng kanyang pamilya at mahal niyang si Alex. Hindi pabor kay Alex ang pamilya ni Ethel na umaasa sa kanya pero hindi naman niya pwedeng talikuran na lamang si Alex ng basta-basta dahil mahal niya ito.
Ayon kay Ethel, magmula nang siyay makapaghanap-buhay siya na ang sumusuporta sa kanyang pamilya pero kahit kailan umano ay hindi niya isinusumbat ang kanyang ibinibigay na tulong.
"Sana naman maunawaan din ng pamilya ko na may sarili rin akong buhay na dapat kong harapin. Malalaki na ang mga kapatid ko at inaasahan ko naman na matuto rin silang magsikap tulad ko. Hindi naman pwede na habang panahon ay nakasandal sila sa akin," pagtatapat nito.
Ayon sa Cine Suerte producer-director na si Ben M7 Yalung, perfect umano si Alex sa role na Zuma. Bukod sa height nito, naroon pa ang pagka-mestiso nito na siyang tunay na katauhan ng komiks character. Ang maganda pa, hindi takot sa ahas si Cris.
Ang bagong version ng Zuma ay siyang nakatakdang ilahok ng Cine Suerte Films sa darating na Metro Manila Film Festival kung saan din kasama ang controversial actor-politician na si Mikey Macapagal Arroyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended