Singing, pinaka-love ni Aliya

Narinig n’yo na bang kumanta ang heartthrob international model at host na si Aliya Parcs? Nang magsabog ng ganda at katalinuhan ang langit, sinalo niya ang lahat nito.

Dahil hindi lang beauty and brain ang kanyang angking ganda, kundi isa ring talented na singer at composer ang 5’7’’ na modelong ito.

Ipinanganak at lumaki si Aliya sa Netherlands. Nagtapos ito ng kursong Business Administration. Ang mother niya ay tubong Bacolod at ang father niya ay isang Dutch.

Umuwi sila ng bansa nung 1998 nang mag-decide ang mga magulang niya na manirahan sa Bacolod. Upang ibahagi ang kaalaman ng father niya patungkol sa farming at para tumulong din sa mga kababayan natin sa Negros.

Pinilit lang si Aliya na pumunta sa bansa. Basta sa kasunduang after 2 years ay papayagan siyang bumalik ng Holland. Nagkaroon si Aliya ng culture shocked. Kaya napilitan siyang huminto ng pag-aaral nang kumuha siya ng kursong Masscom sa La Salle Bacolod. Pero ngayon ay ayaw na niyang umalis ng bansa dahil nagustuhan na raw niya ang buhay dito. Na-in love daw siya sa kultura ng Pinoy.

Unang nakilala si Aliya sa kanyang modelling career. Sa edad na 13 yrs old ay rumarampa na siya sa London kasama ang iba pang modelo mula sa mga bansa ng Europe.

Pero first love nito ay singing kung saan sa edad na apat na taon ay kumakanta na ito sa harap ng maraming tao. Nag-aral din si Aliya nung bata siya ng basic piano, jazz at ballet lessons. Mula high school hanggang college ay kumakanta na si Aliya sa mga school gatherings nila.

Kaya kahit kilala na siya sa modelling, singing pa rin daw ang kanyang pinakahilig.

"I sing everyday. Singing is my outlet. When I’m in love or out of love. I just sing. Music is my bestfriend and the love of my life. I never get tired of music," sabi ni Aliya.

Ang pagkanta para kay Aliya ay hindi niya itinuturing na trabaho. Sa katunayan kung papipiliin siya between modelling or singing mas gugustuhin daw niya ang kumanta.

"I don’t need to make millions. When I sing is not work for me. I see it as a passion and I love it so much," sabi ni Aliya.

Tatlong taon nang kumakanta si Aliya sa bansa as soloist ng mga bandang pinanggalingan niya tulad ng Tribe of Levi, Prime Counsels at Elements.

May tatlong kanta si Aliya sa "Singles" album – "I Close My Eyes," "Stop Think" at "Seasons of Love" na release ng Star Records. Kasama rin ni Aliya sa "Singles" album sina Karel Marquez, Marinel Santos at Maoui David.

Show comments