Hindi naman siguro malaking isyu kung may bukol sa dibdib si
Jennylyn Mercado. Normal lang na nagkakaroon minsan ng cyst ang isang babae pero ayon sa aktres, kapag hinipo ito ay paiba-iba naman ito ng pwesto. Baka naman cystic muscles lang yun. Mahalaga pa rin na magpakunsulta si Jennylyn para matiyak na ligtas siya.
Sa kabilang banda, halos walang tulog ang magandang aktres sa sobrang dami ng commitment. Kapag natapos ang
Encantadia ng 7AM mula sa magdamagang taping ay diretso na agad ito sa set ng
Love To Love at pag natapos ito ay natutulog lang siya ng ilang oras at diretso uli sa taping ng
Encantadia.
Pokwang, Namatayan Ng Anak! |
Sa likod pala ng pagiging komedyante ni
Pokwang ay may malungkot na bahagi ang kanyang buhay. Nagtrabaho ito noon sa abroad para ipagamot ang kanyang anak na may kanser sa utak. Pero nawalan ito ng saysay dahil namatay din ang kanyang anim na taong gulang na anak. Lubhang napakasakit nito para sa kanya bilang ina.
Mabuti na lang at nagtagumpay naman ito nang pumasok sa showbiz. Ngayon ay kilala na ring komedyante si Pokwang.
Gagampanan nito ang papel ni Aruray Baclayon sa
D Anothers.
Karagdagan sa mga magagaling nating direktor ngayon ay si
Alfred Aloysius Adlawan, isang multi-awarded writer and filmmaker. Siya ang magdidirek ng digital film na
Roomboy na tinatampukan ni
Polo Ravales. Umattend ito ng filmmaking workshops sa
Mowelfund Film Institute at
New York Film Academy.
Kabilang sa mga award-winning works nito ay mga screenplays na
Ang Babae sa Burol na nanalong second place sa
Don Carlos Memorial Palanca Awards for Literature noong 1994 at
Ang mga Ibon Sa Dapithapon na 1st place naman sa
Film Development Foundation. Ang kanyang show film na
Si Lolo Tasyo at Ang Araw ay 3rd place sa
Gawad CCP for Alternative Film and Video.
Gusto Ng Mga Roles Na Ginagampanan Nina De Niro At Williams! |
Walang duda na magaling na komedyante si
Keempee de Leon. Effective siya sa mga gay roles. Pero may isa pa itong pangarap na gustong matupad bilang aktor.
"Gusto kong gampanan ang role ng physically-handicapped o mentally retarded yung mga karakter na ginampanan nina
Robert de Niro at
Robin Williams," aniya.
Blind Item: Duwag Ang Young Actor! |
Noong nagsyuting ang aktor na ito sa isang lumang mansyon sa isang karatig-lalawigan ay may naramdamang kakaiba ang mga artistang kasama niya. Naroong makarinig sila ng yabag na tila lumalakad, kinikilabutan ang aktor.
Hindi ito makapunta sa CR kaya ginigising pa nito ang kanyang alalay para lang samahan siya. Inamin nito na matatakutin siya sa multo.
Ang young actor ay nanalo sa isang talent search at gf niya in real life ang ka-loveteam.