'Mulawin' nina Angel at Richard at di 'Darna' ni Regine ang gagawin ng GMA Films para sa MMFF
July 5, 2005 | 12:00am
Opisyal nang ang Mulawin the Movie ang entry ng GMA Films sa 2005 Metro Manila Film Festival. Pagbibidahan ito nina Angel Locsin at Richard Gutierrez at ilang cast ng Encantadia ang bubuo sa big cast ng pelikula.
Naalala naming unang binalak ng GMA Films na ang movie adaptation ng Darna na pagbibidahan ni Regine Velasquez ang ipasok sa film festival. Nagpahayag na nga ng excitement ang Asias Songbird dahil favorite rin niya si Darna. Sa pagbabago ng desisyon ng GMA Films, hindi kaya maging dahilan ito para magtampo si Regine? Sabagay, may gagawin namang pelikula sa Star Cinema si Regine, ang movie nila ni Piolo Pascual na kahit hindi kasing-laki ng Darna ay pinananabikan at matagal nang hinihintay ng kanilang fans.
Noong June 21 naka-schedule ang first shooting ng still untitled movie na ididirek ni Joey Reyes pero, mukhang hindi ito natuloy at wala kaming balita. Saka, malay natin at ipasok din ito ng Star Cinema sa MMFF.
Dadagdagan namin ang nasulat ni Vinia Vivar sa mabilis na pagtatapos ng business relationship nina Albert Martinez at Railey Valeroso. Ang kwento ni Railey, nagpaalam siya kay Albert na maghahanap ng ibang manager dahil wala naman daw naibigay na project sa kanya ang actor within six months na manager niya ito. Agad naman daw pumayag si Albert na siyay i-release.
May ibang version nga lang kaming narinig sa isyung ito. Hindi raw maayos ang pagkalas ni Railey kay Albert at ipinapunit pa raw ni Albert ang copy ni Railey ng kanilang kontrata. Malalaman natin ang totoong kwento pag nakausap namin si Albert.
Naghahanap ngayon ng ibang manager si Railey pero, tama ba ang dinig namin na ni-reject siya ng isa at ang huli naman niyang nilapitan ay nag-iisip pa kung tatanggapin siya dahil nahihiya sa ex-manager at friend niyang si Rico Miranda?
Sana naman, kapag may bago ng manager si Railey ay seryosohin na niya ang kanyang career. Dapat kasama siya sa cast ng Kampanerang Kuba pero, dahil dumiretso sila ng tawag sa talent coordinator ay na-bypass si Rico, hindi na itinuloy ang pagsama sa kanya sa soap opera.
Nakita namin si Tessie Tomas kamakailan at tinanong namin kung alam nang tatapatan ang kanilang Bahay Mo Ba To ng Ex Ko To ng ABS-CBN. "Pumayag sila?" ang tanong ni Tessie nang malamang sina Rudy Fernandez at Alma Moreno at Aiko Melendez at Jomari Yllana ang main cast nito. May rasong magtanong si Tessie dahil dating magkaka-relasyon ang dalawang tambalan.
Kampante nga lang si Tessie na sila pa rin ang panonoorin ng tao dahil mahusay ang kanilang scriptwriter. Pero, hindi rin siya magugulat kung sa first few episode ng Ex Ko To ay matalo sila sa rating, maku-curious daw ang viewers na panoorin sina Alma at Rudy at Aiko at Jomari na magkakasama sa isang show.
May reaction ang isang staff ng BMBT sa bagong itatapat sa kanilang sitcom ng Ch. 2. Hindi na lang namin isinulat at baka may masaktan.
Kahit ni-write-off na ng scriptwriter ang character ni Nancy Castiglione sa Encantadia pwede pa siyang bumalik, kung gugustuhin. Ito ang sabi ni director Mark Reyes na naniniwalang si Nancy lang ang bagay sa role ni Muyak.
Nagpapahinga lang daw si Nancy sa Canada at sa pagbalik nito ng bansa, siya pa rin ang gusto niyang gumanap sa role ni Muyak. Wala rin namang balak si Suzette Doctolero na palitan si Nancy kaya, magiging madali sa kanyang balikan ang role.
But how true na hindi work related kundi love problem ang dahilan nang biglang pag-alis ni Nancy? May problema raw sila ng boyfriend niyang si Bullet Jalosjos?
Naalala naming unang binalak ng GMA Films na ang movie adaptation ng Darna na pagbibidahan ni Regine Velasquez ang ipasok sa film festival. Nagpahayag na nga ng excitement ang Asias Songbird dahil favorite rin niya si Darna. Sa pagbabago ng desisyon ng GMA Films, hindi kaya maging dahilan ito para magtampo si Regine? Sabagay, may gagawin namang pelikula sa Star Cinema si Regine, ang movie nila ni Piolo Pascual na kahit hindi kasing-laki ng Darna ay pinananabikan at matagal nang hinihintay ng kanilang fans.
Noong June 21 naka-schedule ang first shooting ng still untitled movie na ididirek ni Joey Reyes pero, mukhang hindi ito natuloy at wala kaming balita. Saka, malay natin at ipasok din ito ng Star Cinema sa MMFF.
May ibang version nga lang kaming narinig sa isyung ito. Hindi raw maayos ang pagkalas ni Railey kay Albert at ipinapunit pa raw ni Albert ang copy ni Railey ng kanilang kontrata. Malalaman natin ang totoong kwento pag nakausap namin si Albert.
Naghahanap ngayon ng ibang manager si Railey pero, tama ba ang dinig namin na ni-reject siya ng isa at ang huli naman niyang nilapitan ay nag-iisip pa kung tatanggapin siya dahil nahihiya sa ex-manager at friend niyang si Rico Miranda?
Sana naman, kapag may bago ng manager si Railey ay seryosohin na niya ang kanyang career. Dapat kasama siya sa cast ng Kampanerang Kuba pero, dahil dumiretso sila ng tawag sa talent coordinator ay na-bypass si Rico, hindi na itinuloy ang pagsama sa kanya sa soap opera.
Kampante nga lang si Tessie na sila pa rin ang panonoorin ng tao dahil mahusay ang kanilang scriptwriter. Pero, hindi rin siya magugulat kung sa first few episode ng Ex Ko To ay matalo sila sa rating, maku-curious daw ang viewers na panoorin sina Alma at Rudy at Aiko at Jomari na magkakasama sa isang show.
May reaction ang isang staff ng BMBT sa bagong itatapat sa kanilang sitcom ng Ch. 2. Hindi na lang namin isinulat at baka may masaktan.
Nagpapahinga lang daw si Nancy sa Canada at sa pagbalik nito ng bansa, siya pa rin ang gusto niyang gumanap sa role ni Muyak. Wala rin namang balak si Suzette Doctolero na palitan si Nancy kaya, magiging madali sa kanyang balikan ang role.
But how true na hindi work related kundi love problem ang dahilan nang biglang pag-alis ni Nancy? May problema raw sila ng boyfriend niyang si Bullet Jalosjos?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended