Baka sa stage musical swertihin si Iya!
July 5, 2005 | 12:00am
Marami ang nagsasabi na yung pagpapalit ng network ni Iya Villania ang pangunahing dahilan kung bakit hindi siya maka-abante sa TV. Dahil sa komersyal naman ay sunud-sunod ang projects niya, walang patid, at mga top products and companies ang ini-endorso niya.
Ngayon, isang magandang pagkakataon ang muling dumating sa kanyang pinto. Ang sister company ng Trumpets na Stages ay magpapalabas ng isang Broadway musical sa Meralco Theater sa Setyembre 2, 3, 4, 9, 10, 11, 16, 17, 18, 23, 24 at 25. Kung may katanungan kayo, tumawag sa 6317252 at 6334478. O kaya sa 8919999.
Kasama si JayR, pangungunahan ni Iya ang Footloose, isang classic tale ng teen rebellion, repression at enlightenment na tinatampukan ng dance choreography at lively performances, ang formula na nagbigay tagumpay sa pelikula na ginawa nung 1983.
Gagampanan ni Iya ang role ni Ariel at para sa kanyang role, kakailanganin niyang kumanta at sumayaw.
Makakasama nina JayR at Iya sa Footloose sina Nikki Valdez, Maoui David, Gian Magdangal at Jonard Yanzon ng grupong 17:28 at Reuben Uy ng Akafellas.
Kasama pa rin sina Kyla Rivera, road manager ng Akafellas, Veejay Aragon, isang Star in a Million finalist, MTV VJ Hunt finalist Marvin Luna, Ateneo Blue Repertory regular Caissa Borromeo, Sen Fernandez at ang mga Trumpets Playshoppers Pom Docena, JC Gotinga, Johann dela Fuente at Kenjie Villacorte. May mahahalagang roles sina Audie Gemora, Agot Isidro at Pinky Marquez.
Ilan sa mga awiting sumikat na nagmula sa Footloose ay ang "Almost Paradise", "Holding Out For A Hero", "Lets Hear It For The Boy" at " Footloose".
Stages also manages Christian Bautista, Bettinna Carlos at Cathy Balboa.
Hindi pa rin naman nawawala ang mga sexy movies sa kabila ng hindi pagpapalabas ng mga ganitong pelikula ng SM Cinemas. May mga independent producers pa rin na sa mga ganitong tipo ng pelikula kumukuha ng kanilang pinagkakakitaan. Idagdag mo pa na maraming ginagawang digital films ngayon na sexy rin ang tema.
Dahil dito, patuloy pa rin ang pag-usbong ng mga sexy stars, tulad ni Rwen Rodriguez, tubong Negros Occidental at nag-high school sa iskwelahan ni former Cong. Jules Ledesma, ang Julio Ledesma National High School.
May taas na 56" ang 18 taong gulang na dalaga na unang nag-enrol sa isang eksklusibong paaralan pero, natigil para makapagtapos ang kanyang kuya next year.
Papalabas siya sa isang coffee shop sa isang mall nang lapitan siya ng kanyang manager ngayon at aluking mag-artista. Tumanggi siya nang malamang sa pagpapa-sexy siya isasabak. Pero sa kalaunan ay hindi na siya nakatanggi sa pangungulit nito. Sa ngayon ay abala siya sa kanyang ramp modeling habang naghihintay ng pelikula.
For bookings, pwedeng tawagan ang manager ni Rwen na si Rodel Fernando, 09208372194.
E-mail: [email protected]
Ngayon, isang magandang pagkakataon ang muling dumating sa kanyang pinto. Ang sister company ng Trumpets na Stages ay magpapalabas ng isang Broadway musical sa Meralco Theater sa Setyembre 2, 3, 4, 9, 10, 11, 16, 17, 18, 23, 24 at 25. Kung may katanungan kayo, tumawag sa 6317252 at 6334478. O kaya sa 8919999.
Kasama si JayR, pangungunahan ni Iya ang Footloose, isang classic tale ng teen rebellion, repression at enlightenment na tinatampukan ng dance choreography at lively performances, ang formula na nagbigay tagumpay sa pelikula na ginawa nung 1983.
Gagampanan ni Iya ang role ni Ariel at para sa kanyang role, kakailanganin niyang kumanta at sumayaw.
Makakasama nina JayR at Iya sa Footloose sina Nikki Valdez, Maoui David, Gian Magdangal at Jonard Yanzon ng grupong 17:28 at Reuben Uy ng Akafellas.
Kasama pa rin sina Kyla Rivera, road manager ng Akafellas, Veejay Aragon, isang Star in a Million finalist, MTV VJ Hunt finalist Marvin Luna, Ateneo Blue Repertory regular Caissa Borromeo, Sen Fernandez at ang mga Trumpets Playshoppers Pom Docena, JC Gotinga, Johann dela Fuente at Kenjie Villacorte. May mahahalagang roles sina Audie Gemora, Agot Isidro at Pinky Marquez.
Ilan sa mga awiting sumikat na nagmula sa Footloose ay ang "Almost Paradise", "Holding Out For A Hero", "Lets Hear It For The Boy" at " Footloose".
Stages also manages Christian Bautista, Bettinna Carlos at Cathy Balboa.
Dahil dito, patuloy pa rin ang pag-usbong ng mga sexy stars, tulad ni Rwen Rodriguez, tubong Negros Occidental at nag-high school sa iskwelahan ni former Cong. Jules Ledesma, ang Julio Ledesma National High School.
May taas na 56" ang 18 taong gulang na dalaga na unang nag-enrol sa isang eksklusibong paaralan pero, natigil para makapagtapos ang kanyang kuya next year.
Papalabas siya sa isang coffee shop sa isang mall nang lapitan siya ng kanyang manager ngayon at aluking mag-artista. Tumanggi siya nang malamang sa pagpapa-sexy siya isasabak. Pero sa kalaunan ay hindi na siya nakatanggi sa pangungulit nito. Sa ngayon ay abala siya sa kanyang ramp modeling habang naghihintay ng pelikula.
For bookings, pwedeng tawagan ang manager ni Rwen na si Rodel Fernando, 09208372194.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended