Di lang magaling kumanta, mas mukhang artista

Impressed ako sa mga iprinisinta ng ABS CBN sa entertainment media na napili nitong 30 kabataan, bata pa sila sa gulang na 18-24, para maglaban-laban sa ikalawang season ng Search for the Star in a Million na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol.

Pinakanta silang lahat ng isa-isa at pinatunayan nilang karapat-dapat sila na mapabilang sa 30. May ilan nga akong napili na pwede nang mapasali sa League of 12. Outstanding ang boses nila bagaman at sinabi ng tatlong searchers na sina Wyngard Tracy, isang kilalang talent manager, ang aktres na si Ågot Isidro at ang magaling na direktor na si Rowell Santiago na hindi lamang ang galing sa pagkanta ang criteria kundi ang total personality. Dapat may star appeal din ang mananalo, pwedeng artista, host sa TV, at magaling kumanta.

Ang 30 ay grinupo sa anim na may tig-limang myembro. Sila-sila ay maglalaban- laban simula bukas.

Ang unang grupo ay binubuo nina May Cogonon, Joey Ignacio, Oreo Vamenta, Tony dela Paz at Venus Gutierrez.

Ang second group is made up of Jay Perillo, Kris Lawrence, Mitch Tizon, Jessica Fernando at Ann Quitoriano.

Ang pangatlong grupo ay binubuo nina Vino Bello, Gerald Yranon, Jimmy Marquez, Zel Velasco at Fran Pasco.

Nasa group four naman sina Francis Ong, Lycel Millan, Jet Padilla, Bryan Llamedo at Tata Villaruel.

Fifth group consists of Shake Valerio, Primy Joy Cane, Bong Mercado, Ais Roxas at Bench Layson.

Pinakahuli ang ika-anim na grupo nina Lance Onate, Mabeth Arellano, Jayson Sia, Triks Luna at Anna Baluyot.

Sa launching ng 30, pinapili ko isa-isa ang 30 kung sino sa palagay nila ang pinaka-mahirap nilang kalaban. Pinaka-marami ang pumili kay Kris Lawrence., 22, isang balikbayan at estudyante ng musika sa CalState University. Tulad ng tatlong searchers, di ko pagbabatayan ang popularidad ng napili halos ng lahat dahil if I remember right, si Mabel Bacusmo ang kinatakutan ng lahat last year pero, ang nanalo ay si Jerome Sala.
* * *
Hindi lang swerte ang puhunan ni Angelo Palmones para makuha ang kanyang kasalukuyang posisyon ngayon bilang station manager ng DZMM, namuhunan din siya ng panahon, edukasyon (Economics, College of Kidapawan), at hard work.

Nagsimula siya bilang reporter sa DZXL at makaraan ang anim na taon ay saka lamang siya kinuha ng ABS CBN at makuha ang kasalukuyan niyang posisyon. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, mas lumakas pa ang pagiging number one ng DZMM sa AM radio stations.

Kasama ang mahigit na 30 journalist at broadcaster all over the world, nag-obserba sila kung paano hina-handle ng US media ang mga matters on security.

"Fear of terrorism in the US is very high right now," ani Palmones. "Ang importante, imbes na takutin mo (sa media) ang tao, you train them so they become your allies.

"I don’t expect to learn so much from the program, because in terms of preparedness, the Philippines is the best place to learn. Dito di lang ang mga tao ang kailangang matuto, pati rin ang media."
* * *
Darating sa ASAP si Pops Fernandez para samahan si Martin Nievera sa selebrasyon nito ng kanyang ika-23rd showbiz anniversary. Ilulunsad din sa show ang bagong single ni Martin.

Makakasama rin ang tinanghal na Best Actor/ Actress ng Famas na sina Piolo at Claudine. Ala- American Idol naman ang dating ng Champions Showdown.

Sa Fanatic All-Star naman, labanan ng magkaibigan sa classroom. Haharapin ng defending champ na si Glaiza de Castro ang co-star niya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin na si Marla Boyd. Ang SCQ 8-Teens din ay susubok na gawing three-in-a-row ang kanilang panalo laban sa Star Magic Batch 13 Get Groovers at QPids Qties.
* * *
Bago pa man sila matunghayan sa primiere ng maaksyong adventure story ng GMA-7 bukas, Lunes (Hulyo 4) magpapagalingan muna sa pagkanta ang cast ng Sugo sa All Star K ngayong Linggo.

Sa pangunguna ng kuwelang All Star hosts na sina Allan K at Jaya magkakaalaman kung sina Isabel Oli, Dion Ignacio, JC De Vera, Emilio Garcia, Gabby Eigenmann, Richard Quan at Ramon Christopher Gutierrez ang may K na umabot sa jackpot round at posibleng makamit ang minimithing P1M jackpot prize. Kasama rin para mangatay sa kanila bilang Hired Killer ang isa sa mga stars ng Sugo na si Lorna Tolentino.

Show comments