Diana, tagapagtanggol ni Sunshine

Magkaaway man sa Encantadia, close friends in real life sina Sunshine Dizon (Pirena) at Diana Zubiri. Silang dalawa ang nakikitang laging magkasama’t magka-usap tuwing breaktime ng tele-fantasy.

Sa 55th Anniversary Special ng GMA-7, nakita namin silang magka-holding hands na umikot sa function room ng Aliw Theater kung saan nag-ipon ang mga artista bago magsimula ang palabas. Pati sa picture taking ng grupo ng cast ng show, silang dalawa ang magkatabi.

Nalaman din naming inilayo ni Diana si Sunshine sa dalawang starlet na nang-ookray dito. Friends ni Sunshine ang dalawa pero, dinedma ang bati niya’t harap-harapan pang ipinakitang hindi nila ito feel. Alam namin ang rason pero, hindi na lang namin isinulat. Bago pa tuluyang masira ang gabi ni Sunshine, niyaya na lang siya ni Diana na umalis.

May isa pang magandang ginawa si Diana na ipinagpapasalamat ni Sunshine. Nang makita ni Diana na halata ang panty line ni Sunshine sa suot niyang white gown, agad niya itong binigyan ng bagong t-back at pinapalitan ang suot na underwear. Kaya nang rumampa ang mga diwata ng Lireo, kampante si Pirena (Sunshine) at ‘yun ay dahil kay Danaya (Diana).
* * *
Hindi na mapapanood si Rez Cortez sa mga susunod na episode ng Mga Anghel Na Walang Langit ng ABS-CBN. Inalis ang actor sa nasabing soap opera na walang konkretong dahilan. "Because you’re too hot to handle," raw ang sagot nang tinawagan ni Rez para itanong kung bakit hindi na siya tinatawagan at pinagri-report sa taping. Politics ang naisip na dahilan ni Rez sa pag-alis sa kanya sa MANWL. Very active at open siya sa suporta kay Susan Roces at sa panawagang mag-resign si President Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi namin regular na napapanood ang soap opera kaya, hindi namin alam ang role niya at kung gaano ito ka-importante sa istorya. Pero, sa galing ng scriptwriter ng show, magagawan ng paraan na hindi mahahalata ang pagkawala ni Rez.
* * *
Ayan, may bago ng show sa ABS-CBN si Kristine Hermosa. Siya ang gaganap na Luisa sa remake ng Gulong ng Palad na malapit nang simulan ang taping kapag nahanap na ang young star na magpo-portray sa role ni Peping. Bukas, Lunes, sa M.R.S. ang launching ng Sino Si Peping contest na hahanap sa batang makakasama ni Luisa sa soap opera. Tatagal hanggang July 15 ang search kaya, ‘yung mga batang gustong maging TV star, go na sa Ch. 2.

Wala pa kaming balita kung sino ang magdidirek ng remake ng soap opera. Makakasama naman ni Kristine sina Cherie Gil, Joel Torre, Andrea del Rosario, Joross Gamboa at Rio Locsin.
* * *
Ipinaalam ng ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez III ang pagkaka-elect kay Emily Cabrera sa ABS-CBN Board. Pinalitan niya si Manolo M. Lopez na kusang iniwan ang kanyang board set na hawak niya for 15 years para may makapasok sa board na hindi member ng Lopez family.

Nakaka-intriga lang dahil ang manugang ni Ms. Abrera na si Suzy Entrata-Abrera ay taga-GMA-7. Suzy who is married to Paolo Abrera is one of the hosts of Unang Hirit but for sure, hindi ito rason para magkaroon ng conflict sa Abrera family.

Ang iba pang kasama sa board ay sina Atty. Augusto Almeda-Lopez, Peter Garucho. Jr., Cesar Bautista at Fr. Carmelo A. Caluag S.J., trustee ng Ateneo de Manila University at Ateneo Scholarship Foundation at ABS-CBN Vice-Chairman Luis Alejandro.

Show comments