Katya, Gwen, Ella V. topless sa Japan!
July 2, 2005 | 12:00am
Hiwalay na umano sina Aubrey Miles at Troy Montero ganoon din naman sina Rufa Mae Quinto at ang kanyang cager-boyfriend na si Rudy Hatfield. May time na nagselos umano si Troy dahil sa closeness na ipinakita nina Aubrey at TV host na si Paolo Bediones nang mag-guest ang sexy star sa Extra Challenge. Nariyan din ang balita na pagkatapos ni Rufa Mae ay si Aubrey naman umano ang pinormahan ngayon ni Rudy Hatfield. Sabagay, ang rigodon among partners o mag-sweethearts ay hindi na bago sa showbiz.
Ano kaya ang magiging reaction ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Jojo Gabinete sa ginawang pagdi-deny ni Katya Santos ng Viva Hot Babes na nag-topless sila nina Gwen Garci at Ella V. nang magtanghal ang mga ito sa Japan kamakailan lamang?
Ang alam namin, may hawak na video tape si Jojo na bigay sa kanya ng mga Filipino male dancers na kumuha ng video habang nagsu-show ang tatlo sa ilang clubs sa Japan. Naka-topless ang tatlo na tinatakpan lamang ng kanilang mga kamay ang kanilang malulusog na dibdib.
Nag-react si Manay Lolit Solis sa naging pahayag ng dati niyang alagang si Rosanna Roces na nagpahayag ng kanyang intention na makipagbati sa dati nitong kaibigan na si Dra. Vicki Belo.
Ayon kay Manay Lolit, natatakot lang daw marahil si Osang sa demanda ni Dra. Belo sa kanya dahil hindi talaga siya aatrasan nito dahil kredibilidad at propesyon ni Dra. Belo ang sinira ni Osang.
Ang hindi namin natanong kay Manay Lolit ay kung tatanggapin pa niyang muli si Osang sakaling makipagbati ito sa kanya?
Sa biglang tingin ay malaki ang hawig ng 16-year-old na si Mara Garcia sa sexy star na si Ara Mina. Si Mara ay anak ng dating Hagibis member na si Joji Garcia at Cherrie Pie Garcia.
Si Mara ay isa sa maraming talents na nasa pangangalaga ngayon ni Annabelle Rama.
Kababalik pa lamang nina Christian Bautista, Sheryn Regis at Frenchie Dy galing sa kanilang matagumpay na The Return of the Champions series of concert tour sa Amerika kasama sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Rachelle Ann Go at Raymond Manalo pero sa unang linggo ng Oktubre ay muling babalik ng Amerika sina Christian, Sheryn at Frenchie para sa Stars in a Million: The Reunion na gaganapin sa L.A. at San Diego, California kung saan ay makakasama naman nila ang unang champion ng Star in a Million na si Erik Santos.
Produced ng ABC Entertainment ni G. Alfonso Chu na siya ring nag-produce ng matagumpay na Night of the Champions nung isang taon at ang The Return of the Champions sa L.A. at San Diego.
Si Alfonso Chu ay dumating ng Pilipinas galing Amerika kasama ang kanyang pamilya nung nakaraang Miyerkules (June 29) para dumalo sa fiesta celebration ng Tacloban City nung Huwebes, June 30.
Tuwang-tuwa ang mga Pinoy na nasa Japan dahil napapanood na rin doon ang mga programa ng GMA-7 sa pamamagitan ng Access TV, ang broadcast division ng IPS, Inc. ng Japan. Dati-rati ay ang TFC (The Filipino Channel) lamang ng ABS-CBN ang napapanood doon pero hanggang sa Japan ay banggaan na rin ang mga programa ng Dos at Siete.
Ang Japan ang kauna-unahang international channel ng GMA Pinoy TV na nakatakda ring i-launch sa Amerika ngayong July.
Come September ay dadalhin naman nang live ng Access TV sa Fukuoka at Nagoya, Japan ang sikat na singer na si Nina.
Bukod sa GMA Pinoy TV, tangan din ng Access TV sa Japan ang Mabuhay Channel (na kinabibilangan ng mga Pinoy programs mula sa ABC-5, IBC-13, NBN-4), Fox Channel, dalawang AM stations at isang FM station ng Pilipinas.
Samut-sari: Alam ba ninyo na naging kasintahan din noon ni Willie Revillame ang magandang TV host na si Phoemela Barranda ganoon din ang news anchor na si Sheryl Cosim?
Alam din ba ninyo na nakaka-apat na boyfriend na si Anne Curtis? Ang mga ito ay sina Chubi del Rosario, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierez at ang pinakabago ay itong si Paolo Araneta na siyang hindi taga-showbiz. Pumorma rin doon kay Anne si Luis Manzano pero hindi sila nagkaroon ng relasyon. Alam din ba ninyo na isang aktres ang bumawi sa iniregalo niyang camera sa kanyang mister dahil ibinenta niya ito para lamang magkapera? Gaano rin kaya katotoo ang balitang pinagbawalan ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao na ipakita pa sa kanilang morning programa na Magandang Umaga Pilipinas ang kanyang cute baby na si Antonia dahil hindi umano ito nakakatulong sa rating ng programa?
E-mail: [email protected]
Ang alam namin, may hawak na video tape si Jojo na bigay sa kanya ng mga Filipino male dancers na kumuha ng video habang nagsu-show ang tatlo sa ilang clubs sa Japan. Naka-topless ang tatlo na tinatakpan lamang ng kanilang mga kamay ang kanilang malulusog na dibdib.
Ayon kay Manay Lolit, natatakot lang daw marahil si Osang sa demanda ni Dra. Belo sa kanya dahil hindi talaga siya aatrasan nito dahil kredibilidad at propesyon ni Dra. Belo ang sinira ni Osang.
Ang hindi namin natanong kay Manay Lolit ay kung tatanggapin pa niyang muli si Osang sakaling makipagbati ito sa kanya?
Si Mara ay isa sa maraming talents na nasa pangangalaga ngayon ni Annabelle Rama.
Produced ng ABC Entertainment ni G. Alfonso Chu na siya ring nag-produce ng matagumpay na Night of the Champions nung isang taon at ang The Return of the Champions sa L.A. at San Diego.
Si Alfonso Chu ay dumating ng Pilipinas galing Amerika kasama ang kanyang pamilya nung nakaraang Miyerkules (June 29) para dumalo sa fiesta celebration ng Tacloban City nung Huwebes, June 30.
Ang Japan ang kauna-unahang international channel ng GMA Pinoy TV na nakatakda ring i-launch sa Amerika ngayong July.
Come September ay dadalhin naman nang live ng Access TV sa Fukuoka at Nagoya, Japan ang sikat na singer na si Nina.
Bukod sa GMA Pinoy TV, tangan din ng Access TV sa Japan ang Mabuhay Channel (na kinabibilangan ng mga Pinoy programs mula sa ABC-5, IBC-13, NBN-4), Fox Channel, dalawang AM stations at isang FM station ng Pilipinas.
Alam din ba ninyo na nakaka-apat na boyfriend na si Anne Curtis? Ang mga ito ay sina Chubi del Rosario, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierez at ang pinakabago ay itong si Paolo Araneta na siyang hindi taga-showbiz. Pumorma rin doon kay Anne si Luis Manzano pero hindi sila nagkaroon ng relasyon. Alam din ba ninyo na isang aktres ang bumawi sa iniregalo niyang camera sa kanyang mister dahil ibinenta niya ito para lamang magkapera? Gaano rin kaya katotoo ang balitang pinagbawalan ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao na ipakita pa sa kanilang morning programa na Magandang Umaga Pilipinas ang kanyang cute baby na si Antonia dahil hindi umano ito nakakatulong sa rating ng programa?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended