^

PSN Showbiz

May interesado pa ba sa mga awards nights?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Tapos na ang awards season sa taong ito. Naibigay na ang lahat ng mga acting awards para sa pelikula, bagama’t nakakalungkot isipin na bagsak ang halos lahat ng mga pelikula noong nakaraang taon. Sa taong ito naman, nakakaangat ang pelikula ng mga youngstars, dalawa na ang kumita. Naging maganda rin naman ang resulta sa takilya ng pelikula nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Bukod doon, tagilid pa rin ang ibang mga pelikulang inilabas nitong taong ito.

Ang mga awards, hindi rin natin masasabing maganda ang mga resulta. Sinasabi nilang masyadong predictable ang resulta ng nakaraang Famas, dahil malayo pa ang awards, alam na alam na ng mga tao kung sino ang kanilang papanalunin.

Iyong Film Academy Awards, naging isang malaking disaster naman ang masyadong pretensyosong awards night nila. Masyadong pinalaki, hindi naman pala nila makakaya. Ang lumabas ay isang tila karnabal na awards night na hindi nagustuhan ng publiko, at hindi rin naman nagustuhan ng marami sa industriya.

Iyong Star Awards naman ng Philippine Movie Press Club, naging tila basura dahil sa lumitaw na suhulan at lagayan para papanalunin ang ibang nominees, at wala silang ginawa para parusahan ang kanilang mga myembrong napatunayan, at umamin naman, na tumanggap ng suhol. Palagay namin hindi tamang katwiran iyong patawarin na lamang ang mga tumanggap ng suhol dahil hindi naman nanalo ang mga nanuhol. Eh, pero papaano iyong nagsuhol na nanalo ng awards?

Iyong mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay naka-maintain ng kanilang kredibilidad bilang isang award giving body. Nakapagbigay sila ng isang award na tinanggap ng maluwag sa kalooban ng publiko.

Iyong Entertainment Press Society, o Enpress, na siyang pinakabagong award giving body na binubuo ng mga entertainment writers na lumayas sa PMPC dahil sa bintang nilang masyado nang tiwali ang dati nilang samahan, nakapagbigay din more or less ng isang credible awards, at mukhang kinakatigan nga sila ng pagkakataon dahil sa nabulgar na matinding lagayan sa nakaraang Star Awards niyang PMPC.

Sa kabuuan, mukhang mababa ang ratings ng mga awards sa taong ito, at kung magpapatuloy ‘yang ganyang usapan ng lagayan, bilihan ng awards at kung anu-ano pa, palagay namin mas bababa pa ang credibility ratings ng mga awards sa darating na panahon.

Ang susunod ay iyong awards for television. Palagay namin mas kikilalanin ang KBP Golden Dove na siyang broadcast industry awards. Iyong Star Awards for TV na noong nakaraang taon pa ay marami nang tsismis ng bentahan, kaya nga nagwala ang ibang miyembro at nagtayo ng bagong samahan, at pagkatapos niyang lagayan sa Star Awards for Movies, aywan namin kung ilang network pa ang maniniwala at sasali sa kanila. Baka isa na lang, iyong nagkakandili sa kanila na obvious naman kung sino. Katunayan, ngayon pa lang sinasabi na ng iba na kaya na nilang sabihin kung sino ang mapipiling best TV station diyan, siyempre ang mananalo ay kung saan nagtatrabaho rin ang marami sa kanilang mga miyembro.

Sa kabuuan, aywan nga ba namin kung sino pa ang interesado sa mga awards.

vuukle comment

AWARDS

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

FILM ACADEMY AWARDS

GOLDEN DOVE

IYONG

JENNYLYN MERCADO

KUNG

NAMAN

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with