^

PSN Showbiz

Seryoso na si Gerald

-
Unang pelikula pa lang niya, ang Sana Pag-ibig Na directed by Jeffrey Jeturian ay gumawa agad ng ingay ang young actor na si Gerald Madrid na nakatanggap ng acting nomination at tinawag ng next important actor.

Pero biglang nag-iba ang trend. Pumasok ang bold genre. Nung una’y okey lang sa kanya ang medyo seksing papel pero naging traumatic sa macho ang Pedrong Palad kung saan pinagtatalop siya’t magkakaroon ng torrid love scenes sa mga kasamang female stars. Atras ang pogi! Binalikan na lang ang pag-aaral. Hindi niya natapos ang college dahil nag-asawa at nagkaanak. Tumakbo siyang konsehal ng Parañaque City at dito niya nakilala ang kumandidatong alkalde na si Alma Moreno.

‘‘Isa si Ness (Alma) sa pinakamabait na taong nakilala ko. Marami akong natutuhan sa kanya. Tulad ngayon, siya ang nagbigay sa ’kin ng inspirasyon at morale-booster para balikan ko ang aking career. Napaka-supportive niya. Lagi rin niyang ipinaaalala sa ’kin na harapin ko ang responsibilidad ko sa mga anak ko,’’ sabi ni Gerald.

Dahil versatile actor, madalas siyang kuning guest sa mga programa ng Dos at Siete. Naging regular din siya sa Spirits ng ABS, na dinirek ni Chito Roño. Bilang paghahanda sa balik-pelikula’y nagpa-liposuction siya kay Dr. Manny Calayan at nagwo-work out sa isang gym. Balik-macho na talaga ang ma-appeal na actor na sinabing handa na siyang tanggapin kahit anong papel… kahit mag-bold pa!

‘‘Lumalaki na ang mga anak ko at nag-aaral na lahat. Gusto kong sa abot ng aking makakaya’y masuportahan ko sila. Para rin mabura sa isip ng ibang tao na inabandona ko sila at ako’y hindi mabuting ama,’’ sabi pa ni Gerald.

vuukle comment

ALMA MORENO

ATRAS

BALIK

BILANG

CHITO RO

DR. MANNY CALAYAN

GERALD MADRID

JEFFREY JETURIAN

PEDRONG PALAD

SANA PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with