^

PSN Showbiz

Bakit di na lang kinuha ang kakambal ni Richard sa Sugo?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nagtanong kay Lilibeth Rasonable kung bakit hindi na lang kinuha sa teleseryeng Sugo bilang kakambal ni Richard Gutierrez si Raymond (kambal naman sila sa tunay na buhay) para hindi na sila naghirap. Pwede naman itong turuan ng stunts sa maaksyong eksena.

Maganda naman ang naging paliwanag ni Lilibeth at sinabing magkaiba kasi sila ng forte, sa acting si Richard at sa TV hosting naman si Raymond.
Personal Choice Ng GMA 7
Ayon kay Ms. Wilma Galvante ay bagay na bagay ang project na Sugo kay Isabel Oli. Siya ang lalabas na leading lady ni Richard Gutierrez.

"Naghahanap kami ng mukha na babagay sa role. Maamo kasi ang mukha ni Isabel at parang sobrang bait niya. Talagang hinanap namin ang babaeng babagay sa karakter.

Sa kabilang banda, sinabi ng baguhang aktres na natutuwa siya dahil nabigyan agad siya ng malaking break ng Siete. "Nanggaling ako sa konserbatibong pamilya pero pumayag ang aking magulang na pasukin ko ang pag-aartista dahil maganda namang mag-alaga ang Siete," say pa nito.

Muling pinagsama sa Sugo ang mga batikang director ng Mulawin na sina Direk Dominic Zapata at Direk Lore Reyes. Si Pegue Gallaga naman ang magiging visual consultant sa production design.
Tuloy Ang Pag-Aaral
Kahit abala sa showbiz commitment ay pangarap ni LJ Reyes na makapagtapos ng pag-aaral kaya itutuloy nito ang kursong Commerce sa De La Salle University. First year college na ang magandang teener.

Kahit di ito nakapag-workshop ay nabigyan naman agad ito ng show na Love To Love at sa natapos na Now And Forever. Ngayon ay excited na ito sa bagong soap opera na Sugo, kung saan lalabas siyang anak nina Ramon Christopher at Yayo Aguila.

Inamin naman nito na mag-MU sila ni Mike Tan pero hindi naapektuhan ang kanilang trabaho. Hindi nila siniseryoso ang pag-ibig dahi mahalaga pa rin sa kanila ang career.
Dinarayo Na Rin Ang Padre Pio Chapel
Deboto kami ni Padre Pio of Pietrelcina dahil lagi kong ipinagdarasal sa kanya ang aming pamilya para sa magandang kalusugan lalo na ang aking mga magulang. Nong nakaraang Huwebes (June 23) ay nagtungo kami sa Sto. Tomas, Batangas para dumalo sa kanyang misa at para na rin i-pray over ni Fr. Dale Barretto. Naging punung-abala sa pagtulong sa kapilya si Ed de Leon dahil sa milagrong nagawa ni Padre Pio noong time na halos mamatay na ito dahil sa atake sa puso. Nakaligtas siya sa ilang ulit sanang by-pass operation.

Kasama rin namin si Virgie Balatico at Rowena Agilada. Sayang nga at hindi nakasama sina Chuchi, Vero Samio at Carmelites pero naging panata na ng grupo na every 23rd of the month ay dumalaw doon sa chapel para sa misa at i-pray over ni Fr. Dale. Dumalaw na rin doon si Ethel Ramos.

Punumpuno ng mga tao ang kapilya tuwing may misa at karamihan ay napagaling ng intercession ni Padre Pio ang mga taong may taning na ang buhay gaya ng kanser, leukemia at iba pang sakit.
Blind Item: Nagso-Sombrero Kapag Nagi-MRT Ang Aktor
May naikwento ang aking source na sumasakay din pala ng MRT ang sikat na aktor at TV host para hindi ma-late sa kanyang morning show.

Alas singko pa lang ay nasa MRT station na ito kung saan nakukuha lang niya ng ten minutes ang patungo sa studio. Nakasunod na lang ang kanyang sasakyan.

Naisyete pa rin ng aking source na kapag sumasakay ito ng MRT ay naka-jacket siya at sombrero na medyo nakatakip sa kanyang mukha. Pero one time ay tinawag ang kanyang pangalan ng pasahero at bumati naman ito. Akala kasi niya ay hindi siya makikilala ng pasahero na paborito pala ang actor-TV host.

ANG AKTOR

BLIND ITEM

CENTER

DALE BARRETTO

NAMAN

PADRE PIO

RICHARD GUTIERREZ

SUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with