^

PSN Showbiz

Tama na ang dalawang anak para sa misis ni Ogie!

- Veronica R. Samio -
Kararating lamang ni Ogie Alcasid mula sa US na kung saan ay naging bahagi siya ng US tour ni Sharon Cuneta. Pagdating ay agad sumabak na ito ng preparasyon para sa napipinto niyang konsyerto sa Dusit Hotel na magaganap sa July 9 at pinamagatang Ogie Alcasid Live at the Dusit Hotel, ang paboritong concert venue ni Annabelle Rama na siya ring producer ng concert ni Ogie dahilan sa malaking lugar ito. Marami ang pwedeng manood. Makakasama ni Ogie sa show sina Regine Velasquez, Rachelle Ann Go at Rufa Mae Quinto.

Tinatawanan lamang ni Ogie ang mga isyu linking him with his two co-stars sa show. "Mga kaibigan ko sila, mga close friends", paliwanag niya. Instead he opts to talk about his business venture, ang Ogie Dogie Hotdogs na bagaman at bago pa lamang ay marami-rami na ring branches nito.

When asked kung kailan nila susundan ang kanilang second daughter ng misis niyang si Michelle van Eimeren, sinabi niya na "Ayaw nang mag-anak pa ni Michelle. Gusto niya kasing magtrabaho". Sabi niya ay pupuntahan niya ang kanyang mag-iina pagkatapos ng kanyang concert dahil magbi-birthday na ang pangalawa nilang anak.
* * *
Mayro’n na namang bagong reality TV show ang ABS CBN, ang CloseUp to Fame: The Search For the Next CloseUp Couple na magsisimula ngayong 4:30 ng hapon. Iikot ito ng Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas tulad ng Naga, Cebu at Davao para magpa-audition sa mga gustong maging bagong modelo ng CloseUp. Dito kukuha ng 24 na modelo na maglalaban-laban para maging magka-partner sa next CloseUp commercial at makakakuha ng P1M na premyo.

Host ng programa ang parehang sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann. Sasamahan nila ang 24 na modelo na dadaan sa iba’t ibang challenges na pinagdadaanan ng mga models. Bawa’t linggo, may matatanggal na isang pair base sa kanilang performance at desisyon ng mga critics na sina Plinky Recto at Direk Lino Cayetano.
* * *
Lumabas na ang unang single mula sa album ni Liezl na may titulong " Never Again". Nakakuha ito ng magandang airplay sa mga top FM stations tulad ng Star FM, Yes FM at Love FM.

Ang single ay mula sa album na "Liezl: Can’t Help Imagining" na produced ng American producer/composer na si Perry La Marca at ipinamamahagi ng Synergy Music at ni-record sa Hollywood. Naka-release na rin ito sa US at maganda ang sales.

Ipinanganak si Liezl sa Bacolod City at sa edad na anim na taon ay kumakanta na siya. Madalas siyang sumali sa mga singing contests at nakapag-record na siya ng mga jingles para sa radyo at TV.

Sa ngayon ay nakatitra siya sa Los Angeles, California. Para lalong mahasa sa pag-awit ay kumuha siya ng voice lessons sa sikat na voice coach na si Seth Riggs na ilan sa mga naging kliyente ay sina Natalie Cole, Michael Jackson, Bernadette Peters, Michael Bolton, Barbra Streisand, Josh Groban, Carol Burnett, Luther Vandross, James Ingrams at Bette Middler.

Bukod sa pagiging singer, isa ring registered nurse si Liezl at administrator/licensee ng Century Guest Home sa Orange County. Nagsusulat din siya ng musika kasama ang kanyang manager na si Perry La Marca para sa Universal at Disney Pictures.

Nakasama na siya sa mga shows sa US nina Dolphy, Zsazsa Padilla, APO, Nora Aunor at Kuh Ledesma.

May mall tour si Liezl para sa promotion ng kanyang album. Mapapanood siya sa Farmer’s Plaza (June 25), Ever Gotesco Mall Ortigas (June 26), SM Fairview (July 1), Robinson’s Angeles (July 2) at Ever Gotesco Commonwealth (July 3).

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BACOLOD CITY

BARBRA STREISAND

DUSIT HOTEL

LIEZL

OGIE

PERRY LA MARCA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with