Retired na sa pagtataray si Marya
June 24, 2005 | 12:00am
Isa sa pinaka-rewarding experience noong nakaraang Vietnam trip ko ay ang naka-bonding ko ang mga artista ng Vietnam Rose.
Idolo ko na noon pa man si Maricel Soriano. Nakita ko si Maricel sa kanyang pinakamataray na ugali. Pero doon ko siya minahal. Kami ng nasirang Robert Perez ay maka-Maricel. Tulad ng paghanga ko kay Vilma Santos.
Pagkita sa akin ni Marya sa unang eksena sa taping (sa isang malaking temple sa Saigon), nakangiti na ito. Siyempre, beso-beso sa aming inay. Kung malapit ka kay Marya, inay ang tawag mo sa kanya. Anak naman ang tawag niya sa yo.
Kasama sina Manay Ethel (Ramos), Ms. Leah (Salterio) at Cathy (Perez), katakut-takot na tsikahan ang nangyari. Ibang-iba na talaga si Marya. Kung mahal mo siya noon, mas mamahalin mo siya ngayon. Hindi siya nahihiyang ikuwento ang mga pinagdaanan niya. Tinatawanan na lang niya ngayon ang mga katarayan niya noon. Nawala na talaga ang taray queen image niya.
Nakita ko rin ang pagiging maasikaso ni Marya sa tao. Sa mga co-stars niya, talagang maasikaso siya. Kapag nakikita niyang basa ng pawis ang likod ni Ricky Davao, gagawa yan ng paraan para magpalit ng damit si Ricky. Pati sa young cast, nanay din si Marya.
Punum-puno ng pangaral si Angelica Panganiban mula kay Marya. "Kung titingnan mo, intimadating si Ate Mary pero shes so warm," sabi ni Angelica. "Kapag kaeksena mo, grabe nakakatakot. Matatakot kang magkamali dahil kahit rehearsal pa lang, binibigay na niya. But she is very supportive."
Ang business unit head na si Cathy Perez has nothing but praises for Marya.
"Theres no room ang kapalpakan sa kanya," sabi ni Ms. Cathy.
"Kasi prepared siya. The night before the taping, aalamin na niya lahat ng requirements niya. Pati eksenang kukunan, alam niya. At pagdating niya sa set, ready na. Wala na siyang hawak na script dahil alam na niya ang mga linya niya.
"Masarap makatrabaho ang mga artistang tulad ni Marya. Very, very professional."
Si AJ Dee, hindi makalimutan ang unang eksena niya with Marya.
"Grabe ang kabog ng dibdib ko," sabi nito. "Kaya nong nakikita niyang medyo tensyonado ako, nilapitan niya ako and she assured me na okey lang. Maging natural lang ako. Natuwa ako doon. Nawala ang kaba ko at natuwa ako sa suporta niya sa akin."
Si Jason Abalos, isa sa young cast ng Vietnam Rose has all but praises for Marya.
"Im thankful and proud na maging part ng Vietnam Rose at makatrabaho si Ate Mary and the cast. Ibang klase. Ang huhusay nila. Ako ang pinakabaguhan sa cast pero nakataba ng puso ang suportang ibinibigay nila sa akin, from the cast, directors and the staff."
Naaliw naman ako sa tsikahan with Joel Lamangan. Mataray ang imaheng tumatak sa akin kay Direk Joel. Pero kapag kuwentuhan, maaaliw ka sa kanya. Natutuwa ako kapag nakikipagbiruan siya sa staff.
"Kailangan mo lang malaman ang working attitude niya, at kapag nakuha mo, wala nang problema. You will enjoy every minute of work with Direk Joel," sabi ni Monino Duque, ang lighting director ng Vietnam Rose.
Masarap makasama sa trip si Ricky Davao. Ibang klase ang sense of humor niya. Hindi ko nakitaan ng pagsisimangot si Ricky during the shoot in Vietnam. Hindi ko kinaya noong pauwi na kami (papuntang airport) lulan ng isang tourist bus, kinuha niya ang mikropono at kumanta. Talagang mahilig mag-sing along si Ricky.
Habang nasa Duty Free kami (sa airport ng Vietnam), nakasabay kong tumingin ng souvenir shirts si Ricky. Sabay din kaming pumili. Nang babayaran ko na yung mga items na nakuha ko, I was told na binayaran na ni Ricky. Nahiya ako pero siyempre, nakakatuwa, di ba? Sabi niya, "Ikaw naman, minsan lang naman ito."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended