Ang l5 taong gulang na henyo ay si Joriz de Guzman, anak ng dalawang Pinoy na ang ama ay isang Respiratory Therapist at ang ina ay isang chemist, nagtatrabaho sa laboratoryo ng University of California. Hindi kataka-taka kung maging matalino man si Joriz na ang pangalan ay kinuha sa ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal dahil tatlo sa kamag-anak ng ama niya ay nag-graduate ng cum laude at may mga honor students din sa parte ng kanyang ina. Isang deans lister si Joriz na tumatayong 59 1/2" at tumitimbang ng l97 lbs. "Hindi po taba yan. Im full of muscles and big bones," paliwanag niya sa komentong mataba siya.
Kararating lamang ni Joriz kasama ang kanyang parents nung araw na kausapin siya ng ilang mga entertainment press. Mananatili sila ng bansa hanggang July, 11 para mag-relax at mag-unwind at paghandaan ang kanyang graduate studies. Katatapos lamang ng graduation niya nung June l9, kaarawan ni Rizal. Ikatlong pagkakataon na niya itong madalaw ang bayang pinagmulan ng kanyang mga magulang. Narito siya nung Disyembre ng nakaraang taon, at nung l999.
Di tulad ng mga Pinoy na isinilang sa US, matatas mag-Tagalog ni Joriz. " Bago pa ako magsimulang mag-aral ay sa Tagalog na ako sinanay ng mga parents ko dahil alam nilang pagpasok ko ng school ay English na ang magiging lengwahe ko.," paliwanag niya.
Ugaling Pinoy din si Joriz, magalang at hindi mayabang sa kabila ng pangyayaring kakaiba siya, dahil may IQ siya ng 195 at di siya dumaan ng elementary at high school, Nung magtapos siya ng kolehiyo ay nakakuha siya ng highest honors na dito sa atin ay katumbas ng summa cum laude sa Natural Sciences at ganundin sa Computer Science.
Bago bumalik ng US si Joriz ay gagawa muna siya ang isang album,isang CD Lite na magtatampok ng apat na awitin na pawang komposisyon ni Vehnee Saturno, dalawang Ingles ("Still Dream Of You", "Make You MIne Again")at dalawang Tagalog ("Bakit Ikaw Pa" at "Kundi Ikaw"). Iri-release ito sa US at maski na locally.
Bago siya umuwi ay gusto niyang ma-meet ang kanyang nagiisang crush na si Sarah Geronimo. " Magaling siyang kumanta and she seems mabait. I saw her in The Champions concert in LA but I failed to watch the Return of the Champions because I was preparing for my exams at the time."
Bagaman at prioridad niya ang kanyang pag-aaral sa anumang bagay, sinabi ni Joriz na okay lang sa kanya kung makakasingit siya ng kahit isang pelikula. habang naririto. Binigyan na ng magulang niya ng pahintulot ang GMA para gawin ang kanyang life story sa Magpakailanman. Gagawin ito pagpunta ng GMA sa US para sa paglulunsad ng Pinoy TV sa July.
Makakasama ni Rico J. sina John Lesaca at Area One, Ladine Roxas, Aliya Parcs at ang Go Girls. Imbitado rin sina Jose Mari Chan, Kitchie Nadal at Marissa Sanchez sa direksyon ni Dindong Cabazor. Musical director si Gerry Matias.
Mapapanood ito sa isang late telecast sa NBN4. Para sa reservation tumawag sa NPC Secretariat, 3010521-22 o 5219300 (Mylene o Mae). Limitado lamang ang tiket.