Hindi naman actually si
Gary Valenciano ang bibili ng truck, gamit ang pera niya. Pero, siya ang magsisilbing tulay para mabigyang katuparan ang pangarap ng kanyang Christian brothers na makabili nito para makapunta sila sa malalayo at maraming lugar at matulungan ang mga nangangailangan nilang mga kapatid. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng isang dalawang gabing fundraising concerts na magaganap sa
Alabang New Life Christian Center ngayong Huwebes Hunyo 23 at 24.
Pinamagatang
Gary V Soul Full, isang partnership ito ng Alabang New Life Christian Center at ng Muntinlupa City government sa ilalim ni
Mayor Jaime Fresnedi. Napiling
Most Outstanding NGO (non-government organization), tinatanggal nito ang mga kabataan sa lansangan at mailayo sa buhay na puno ng krimen. Tatatlong taon lamang ito pero, mga 11,000 kabataan na ang nakasisiguro ng isang magandang bukas.
Pero bukod sa paghahanap ng pondo para sa kanyang mga Christian brothers, Gary V wants to touch peoples lives, brings hope into hopeless lives.
Ang
Soul Full na siya ring titulo ng latest album ni Gary V sa
Universal Records ay magtatampok din kina
Tricia Amper-Jimenez, Gabriel Valenciano, Paolo Valenciano, si
Nikki Gil ngayong Huwebes 23rd at si
Kiana Valenciano sa 24th.
Mon Faustino provides musical direction.
Ang 18 taong gulang na si
Stephanie Anne San Luis at ang 20 year old na si
Briant Racho ang nanalong image models sa isinagawang annual search ng
Star Group of Malls. Nanalo ang dalawa ng tig-isang 2-year certificate scholarship na nagkakahalaga ng P40,000 mula sa AMA Computer Learning Center, complimentary accommodation sa Richville Hotel, modeling workshop packages mula sa Boss Models, gifts packs mula sa Marcellas at Rough Rider Jeans at P15,000 each.
Hindi pa man nailo-launch sa isang pelikula ang
Regatta Girls bagaman at gumagawa na ang mga ito ng kanilang debut film, muli na namang nagbuo ng isang grupo ng mga seksing kababaihan ang negosyanteng si
Ed Manuel. Ang grupo na may pangalang
Harbour Babies ay pawang mga ramp models pero, kumpara sa mga
Regatta Girls na mga sweet at wholelsome, anag bagong grupo ay pawang palaban at daring.
Ang grupo ay binubuo nina
Mariela Velayo, Cali Nazzer, Willa Marcelli, Tarsha Leon, Shari de Santi, Mewren Aziz at
Babes Shutz. Sing and dance ang grupo.
Hindi kaya dahil mas daring ang
Harbour Beauties ay masapawan nila ang
Regatta Girls?
Sa sobrang kasikatan ni
Angel Locsin at ang character na pinoportray niya sa TV na Darna, sinapawan nito ang isang top government official nang dumalo ito sa Philippine Independence Day Celebration sa Japan kamakailan lamang. Halos walang natirang tao sa booth na kung saan ay naron ang mga opisyal ng Philippine government dahil nang lumabas si Angel na naka-Darna costume, ay naglipatan ang lahat ng tao sa kanilang booth.