Tikom ang bibig at hindi dinitalye ni Judge Rebecca Mariano, ng Branch 136, Makati City RTC, kung anong grounds bakit nagsampa ng annulment case si Hermosa laban sa mister nitong si Ocampo.
Kinumpirma lamang ng tanggapan nito na sa kanyang sala isinampa ni Hermosa na sa tunay na buhay ay Kristine Hermosa Orille ang naturang kaso laban sa asawa nito na sa tunay na buhay naman ay Diether Ocampo Pascual.
Sinabi ng huwes na hindi siya maaaring magbigay ng anumang detalye, dahil hindi naman aniya ito public documents at pinaiiral nito ang confidentiality dahil ang kanyang sala ay family court.
At kahapon ay sumambulat sa kanilang mga fans na hiwalay na ang mga ito matapos magsampa ng annulment case si Hermosa laban sa naturang actor. LORDETH BONILLA