^

PSN Showbiz

Diether, Kristine nag-file na ng annulment

-
Wala pang isang taong kasal at nagsasama, nagsampa ng kasong annulment ang actress na si Kristine Hermosa laban sa actor at asawa nitong si Diether Ocampo sa Makati City Regional Trial Court kahapon.

Tikom ang bibig at hindi dinitalye ni Judge Rebecca Mariano, ng Branch 136, Makati City RTC, kung anong grounds bakit nagsampa ng annulment case si Hermosa laban sa mister nitong si Ocampo.

Kinumpirma lamang ng tanggapan nito na sa kanyang sala isinampa ni Hermosa na sa tunay na buhay ay Kristine Hermosa Orille ang naturang kaso laban sa asawa nito na sa tunay na buhay naman ay Diether Ocampo Pascual.

Sinabi ng huwes na hindi siya maaaring magbigay ng anumang detalye, dahil hindi naman aniya ito public documents at pinaiiral nito ang confidentiality dahil ang kanyang sala ay family court.

At kahapon ay sumambulat sa kanilang mga fans na hiwalay na ang mga ito matapos magsampa ng annulment case si Hermosa laban sa naturang actor. LORDETH BONILLA

DIETHER OCAMPO

DIETHER OCAMPO PASCUAL

HERMOSA

JUDGE REBECCA MARIANO

KINUMPIRMA

KRISTINE HERMOSA

KRISTINE HERMOSA ORILLE

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with