Pop Sweetheart si Lira!

After Jennylyn Mercado, si Yasmien Kurdi naman ang binibiyayaan ng panahon. Hindi lamang sa kanya naka-focus ang istorya ng Encantadia sa linggong ito, sinabayan pa rin ito ng GMA Records ng pagri-release ng kanyang debut album na pinamagatang "In The Name of Love". Bininyagan din nila siya ng Philippine Pop Sweetheart.

Carrier single ng kanyang album ang "I Know". Ito at ang "Kunwari Lang Ba" at "In the Name of Love" ni Jimmy Antiporda ay certain radio hits. Ang "I know" ang theme song ngayon ng Korean telenovelang Sweet 18.

Ang kanyang singing voice ay magagamit din niya sa Encantadia. Bilang si Lira ay aawit siya para pakalmahin si Amihan (Iza Calzado). Pero, magdududa si Alena (Karylle) dahil hindi ito ang tinig na kinikilala ng kapangyarihan niya. Kukutuban din si Amihan dahil ang bulaklak na hawak niya nang magbuntis siya ay sumisimbolo sa buhay ng kanyang anak. Buhay na buhay si Lira pero bakit unti-unti nang nalalanta ang bulaklak?

Malalaman ni Amihan na hindi nga niya anak si Lira pero, kasabay nito ang pagkatalo niya sa kamay ng mga Hathor. Pagtatangkaan nang sakupin ni Pirena (Sunshine Dizon) ang kaharian ng Lireo.Tulungan kaya si Amihan ni Alena o kumampi ito kay Pirena?

Mapapanood ang Encantadia, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Darna sa Kapuso Network, GMA7.

Show comments