Pero, marami ang nagtataka kung bakit pumayag itong sa ABS CBN ipalabas ang gaganaping Star Olympics sa Setyembre ng KAPPT, ang organisasyon ng mga artista na siya ang kasalukuyang pangulo? Bakit hindi sa GMA7 eh, taga-Siete siya?
"Una raw itong inalok ng Airtime Marketing (ang nagpu-prodyus ng taunang sports event ng mga artista) sa GMA 7 pero, tinanggihan daw ito dahil sa wala itong oras. Nang ialok naman ito sa ABS CBN ay tinanggap ito," anang Master Showman nang aking sadyain sa kanyang madaling araw na programa.
"Wala rin daw magiging problema sa mga taga-GMA na artista na sasali sa Star Olympics dahil papayagan daw sila ng network, ayon naman kay Ms. Wilma Galvante, isang top exec ng GMA na kinausap ni Kuya Germs tungkol sa palaro na itataguyod ng kanyang organisasyon. Marami kasi ang curious na dahil ipalalabas ito sa kalabang network ay baka hindi papaglaruin ng GMA ang kanilang mga artista dito. But Kuya Germs was assured of their participation.
Ang Star Olympics ay gaganapin sa Araneta Coliseum.
Sinabi ni Lloydy, palayaw sa kanya na kagustuhan niya na maging maluwag ang sked niya bagaman at paminsan-minsan ay napapanood siya sa ASAP, lalot mayron ipinagdiriwang ang istasyon o ang alin man sa kanilang mga artista ng network.
"Gusto kong bukas ang araw ng Linggo para sa akin dahil gusto kong ilaan ang araw na ito para sa amin ng pamilya ko. Gusto ko silang nakikita in a regular basis. Gusto ko rin na mag-malling kasama sila o kahit basta mag-drive around lang o mag-simba.
"Isang paraan na rin ito ng self-preservation ko. Ayaw kong ma-burn out. Gusto ko ang Linggo ay walang trabaho, walang pressure at pa-easy-easy lang."
At 22, nakatutuwang napaka-mature na ng pag-iisip ni Lloydy. Napaka-simple din ng birthday wish niya. "Bigyan lang ako ng day off, okay na," sabi niya.
Pinamagatang Hair Intimates 2005, magaganap ito sa June 28 sa Cuba Libre, 2nd Flr. ng Star Mall, Edsa cr. Shaw Blvd., Mandaluyong City. Project chairman si Josie Vivar sa tulong ng Wella Philippines.
Tampok sa event ang mga hairstyles and techniques ni Ms. Andrea Zulueta ng Piandre Salon at isang grad ng Vidal Sasoon Academy in London. Kasama rin si Ms. Gloria Dela ng Wella na magpapakita ng latest perming techniques.
Admission is free to HACAP members, may minimal fee na hihingin sa mga non-members.
Ipalalabas ng HACAP ang Beauty & Hair Showcase sa Calamba, Laguna sa Set. 8 at ang Hair Vanity sa Bulacan sa Oktubre.
Para sa ibang detalye, tumawag sa 7314372 (Ms. Atienza); 9115584 (Ms.Vivar).