Pero sa tindi ng pagmamahal ng dalawa ay di nila kayang mawala ang isat isa.
Ayon sa isang reliable source, nakitang nag-date sina Rufa Mae at Rudy sa isang resto somewhere in Ortigas last Wednesday. Napaka-sweet ng dalawa kaya di malayong magkabalikan uli sila.
Bukod sa kanyang mga shows sa abroad ay hindi naman siya nawawala sa telebisyon at tiyak na hahangaan ang acting nito sa Maalaala Mo Kaya this week sa episode na Babymaker.
Tampok din ito sa suspense thriller na Dilim na isang digital film at kasalukuyang nagsusyuting ng Hari ng Sablay katambal si Bearwin Meily.
Kumusta naman ang kanyang lovelife?
"May mga nanliligaw naman, kaya lang pahinga muna ako. Sana naman may prinsipeng manligaw sa akin. Type ko to!" biro pa ng aktres.
Sa apat na taong relasyon nila ni Bernard Palanca ay marami siyang natutunan gaya ng pagiging responsible. "Im 24 years old at feeling ko ay ngayon pa lang ako nagi-enjoy sa pagiging dalaga," sey pa nito.
Isa si Rica sa walang kaarte-arte sa katawan at marunong makisama kaya di nailang sa kissing scenes nila ni Bearwin.
"Hindi naman nawawala ang pagiging mabuti naming magkaibigan. Katunayan, kinuha ko pa nga siyang ninong sa binyag ng anak ko na si Federico Manuel sa darating na July 10 kasama si Richard Gomez, Calvin Millado, Benjie Paras, Perry Deen at Direk Rico Gutierrez," aniya.
Sa kabilang banda, hindi naman negatibo sa kanya ang titulong Hari ng Sablay sa takot na baka sumablay ang movie sa takilya.
"Baka nga maging hari ito ng patok na nangangahulugang kikita sa takilya dahil maganda ang pelikula at klik ang tambalan namin ni Rica. Bukod sa katatawanan ay may puso din ito," dagdag pa ng aktor.
Isa si Zoren sa mga artistang napaka-propesyonal mapa-pelikula man o mapa-television. Dedicated ito sa trabaho at never pang nagreklamo kahit sa mahihirap na eksena.
Kaya sabi nga ng aking source ay talagang maswerte si Carmina Villaroel dahil responsible ito at kayang magdala ng pamilya. Hindi ito mahilig sa nightlife at mas gusto pang manatili sa bahay para tingnan ang kanyang kambal.
Nagpunta ito sa isang live afternoon program dala-dala ang mga write-ups ng aktor. Nang matapos ang programa ay dali-dali niyang sinundan ang actor-politician para ibigay ang kanyang mga write-ups. Dali-daling sumakay ng sasakyan ang aktor na komedyante rin at sa paghabol ng writer ay nasagi pa ito ng sasakyan kung saan dinedma yata ito at pinaharurot pa ang sasakyan.
Tanong tuloy ng mga kasamahan sa showbiz kung nagbago na nga ba ng pag-uugali ang actor-politician na ito na host ng isang noontime show?